^

Kutob

Hulyo 18, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang hindi pagkakasundo ng mga ideya ang siyang magbibigay nang kalungkutan o katamlayan. May ilang tao na nagnanais na gamitin ka sa pansarili nilang interes, ito ang iyong dapat ingatan. Ang matagal nang impormasyon ay matatanggap mo today. Lucky numbers at color for the day ay 13, 17, 37, 44 at orange.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Lawakan ang pang-unawa at matutong magpaubaya. Kung makatarungan lamang, dito mo matamo ang respeto ng iba, lalo na ng mga bunsong kapatid. Malulutas ang sulranin na bumabagabag sa sarili. Mapalad ang makipagtransaksyon ngayon sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 17, 19, 31, 42 at ivory white.   

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang patuloy o pagsisikap na maging daan para maisakatuparan ang mga binabalak. Ang pakikipag-ugnayan sa sulat, telepono o anumang uri ng komunikasyon ay mahalaga ngayon, dahil may makukuha kang mahalagang impormasyon. Huwag mag-alinlangan sa balak gawin, dahil maganda ang magiging resulta. Lucky numbers at color for the day ay 10, 17, 25, 29 at cannary yellow.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Lawakan ang pang-unawa sa minamahal kahit ma-sakit sa kalooban, dahil magiging masungit siya dala ng init ng katawan. Ang malakas na pagkatao ay dapat sabayan ng tapat at magandang kalooban. Kapupulutan ng aral ang maririnig sa mga nakakatanda. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 24, 34 at mustard yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magiging masaya ang araw sa larangan ng pag-ibig. Malamang makakakilala ka ng isang mayamang biyudo na mag-aalay ng pag-ibig. Mag-ingat sa pagpapahayag nang taglay na hinanakit. Walang balakid na maisasakatuparan ang lakarin o layunin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 23, 43 at royal blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig, subalit huwag padala sa nadaramang kapusukan dahil kalungkutan ang nasa unahan. May babalang gusot na magsisimula sa trabaho at madadala hanggang sa tahanan. Isang dayuhan ang mapapalapit sa puso. Lucky numbers at color for the day ay 15, 25, 35, 45 at cherry red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Hinahon at katiwasayan ng pag-isip ang dapat pairalin. Dahil sa dami ng gawain magiging mainitin ang ulo mo at madaling magalit na dapat iwasan. Ang pagre-relax o pamamasyal ay inaayunan ng panahon para mai-release ang pagod o galit. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 31, 37 at aquamarine.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Sundin ang kutob ng kalooban at hindi ka mag-kakamali. Ang sikretong itinatago ay may pagkakataong madiskubre o ma-bulgar. Ang lahat ay makikiisa sa binabalak. Ang anumanag alitan na magaganap sa pagitan ng minamahal  ay malamang matutuloy sa hiwalayan o matagal na tampuhan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 17, 42 at beige.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Makakatagpo ng bagong kakilala sa pakikisalamuhang sosyal kung makakadalo. Mapalad sa itatayong negosyo kung sisimula ngayon. Sa mga dalaga’t binata, ang sobrang pagpapahalaga sa kasintahan ay maghahatid ng kalungkutan kaya relax lang at ilagay sa lugar. Lucky numbers at color for the day ay 10, 18, 28, 45 at orange.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Hindi angkop ang maglakbay ngayon, lalo na kung tatawid ng dagat ang pupuntahan. Iwasan ang mapasubo sa isang pakipagsapalaran. Umaayon ang araw sa gawaing pantahanan dahil magiging lubos ang konsentrasyon dito. Iwasan ang mangako dahil mahihirapan na isakatuparan ito. Lucky numbers at color for the day ay 11, 18, 22, 40 at brown.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Pakinggan ang pangaral nang nakatatandang ka-anak tungkol sa binabalak na negosyo. Huwag magpadalus-dalos sa gagawing desisyon at baka magsisi. Mag-ingat at may pagkakataon na makaharap ang isang taong mahirap makaunawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 30, 33 at blue.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Lumalandas ka ngayon patungo sa katuparan ng iyong mga pangarap, congratulation! Makakabuting kumilos kaagad bago mahuli ang lahat. Ang bagabag, kalungkutan o katamlayan ay mapapalitan ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 26, 36, 38 at lavender.

vuukle comment

KUTOB HULYO 18 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with