^

Kutob

Enero 4, 2013

Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Mahalaga ang mangarap. Ngunit panga­rapin lamang ang kayang abutin.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Lahat ng tagumpay ay dumaraan sa sakripisyo at paghihirap. Tibayan ang loob sa mga pagsubok na darating. Malalampasan mo rin ito kung patuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga sa paghanap ng tamang landas ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 31 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) — Maging mapagmasid at matutuklasan mo na may kasamahan o kasambahay kang may sama ng loob sa iyo. Huwag hayaan na lumala ang namumuong sigalot. Nakakabuting kausapin siya sa mahinahong paraan na hindi idaan sa init ng ulo upang magkaliwanagan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 6, 31, 39 at fuchsia. 

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — Hindi na mahalaga ang nakalipas. Dapat ito ay magsilbing isang alaala na lamang. Ang mahalaga ay kung papaano harapin ang kinabukasan. Pag-aralan ng ma­buti ang binabalak  kung nagbunga ng kabutihan. Kung may duda huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 25, 36, at red.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Hindi mo maa­aring baguhin ang ugali ng mga tao na nakapaligid sa iyo ngunit kayang kaya mong baguhin ang iyong sa­riling ugali. Kung hangad mong magkaroon ng harmonya sa iyong kapaligiran, dapat makiayon ka at huwag asahan na sila ang makiayon sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 33, 39 at yellow. 

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Madali kang madala at mahatak sa matatamis na salita at pangako. Mag-ingat sa mga transaksyon dahil may iilan na hangad kang lokohin. Huwag basta maniwala lalo na sa larangan ng pag-ibig. Laanan ng panahon ang masusing pag-aaral sa mga bagay bago magdesisyon upang hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 19, 27, 31, 43 at scarlet.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Masaklap na katotohanan ang iyong matutuklasan. Huwag mawalan ng pag-asa dahil kung may umalis, may darating kung may mawala, may kapalit. Kung minsan ikaw ay nasa itaas, may pagkakataon din na ikaw ay nasa ibaba, ganun ang gulong ng kapalaran kaya laging maging handa. Lucky numbers at color for the day ay 13, 16, 24, 38 at jade green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Nasa iyo na kung saan ka magiging masaya. Matagal na panahon na ang utak ang iyong sinusunod. Sa patungong ito maging matimbang ang puso’t damdamin. Kung palipasin mo ang pagkakataon malamang hindi na babalik magpakailanman. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 27, 36 at pink.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Panahon na upang akayin mo ang iyong mga magulang dahil sa kanilang katandaan. Huwag ipagkait ang iyong buong pusong pagtulong. Bukas ang pintuan ng suwerte at langit sa mga anak na matulungin. Lucky numbers at color for the day ay 6, 20, 22, 35 at bright yellow.  

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) — Sa kaunting paglalambing ay papawiin ang nagsisimulang hindi pagkakaunawaan ng magkasintahan o mag-asawa. Huwag hayaan na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil ito ang maging dahilan ng matagal ng tampuhan o mauwi sa pagkakahiwalay. Lucky numbers at color for the day ay 7, 3, 33, 38, 44 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Nakakalungkot isipin na matapos mong ibigay ang lahat-lahat saka pa siya lalayo. Huwag malumbay dahil darating din ang panahon  na mapag-isip-isip niya ang mga sakripisyo at paghihirap mong ginawa at siya ay babalik sa iyong piling. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13 27, 36 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Gawing produktibo ang iyong oras sa mga bagay na mapagkakakitaan kaysa maging tsismosa sa inyong lugar dahil walang magandang mapala sa ganyang gawi kundi gulo o away. Lumilihis sa tamang landas ang iyong tagumpay kaya baguhin ang dapat baguhin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 25,, 37 at violet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) —Laging nasa huli ang pagsisisi. Subalit may aral kang mapupulot dito. Huwag mag-emosyonal at maging sen­ti­mental. Harapin ang bukas na may bagong pag-asa. Gawing aral ang pagkakamali. Baguhin ang maling paraan patungo sa kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 28 39 at pale yellow.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

MDASH

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with