^

Kutob

Pebrero 10, 2006

- Madam Rosa -
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) – Maluwag ang dibdib dahil sa ginawang pagpapatawad sa isang taong malaki ang pagkakasala sa iyo. Asal-bata ngayon na ikapagtataka ng mga nakakakilala pati mga magulang. Lucky numbers at color of the day ang 9-14-20-38 at brown.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Mataas ang pangarap sa araw na ito. Kung paano ito sisimulan, isang malaking palaisipan na siya namang ipanghihina. Iwasan ang sobrang pag-iisip at huwag masyadong magpuyat. Lucky numbers at color of the day ang 7-15-23-34 at navy blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Makatatanggap ng balita sa pamamagitan ng text messaging na kanyang ikagagalak. Alaming mabuti bago magpa-apekto at baka nagkamali lamang ng padala. Maraming hahanga sa iyo dahil sa ipapakitang talino at sipag. Lucky numbers at color of the day ang 3-16-18-38 at cream.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Magkakaroon ng kaunting problema sa pananalapi o ibang pangangailangan. Umiwas sa mataong lugar lalo na’t sa madilim na kapaligiran. Alalahanin ang responsibilidad at isiping lagi ang kapakanan ng pamilya. Lucky numbers at color of the day ang 9-15-28-35 at orange.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Isang suliranin ang darating na kailangang mamili sa dalawang taong nagmamahal sa iyo. Huwag dayain ang puso at maging totoo at tapat sa sarili. Madaling kitain ang pera kung magsisipag lamang. Lucky numbers at color of the day ang 15-28-32-39 at ruby red.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Mahirap hanapin ang totoong nagmamahal. Gayunpaman, darating ito sa tamang panahon. Gawin ang lahat para sa minamahal subalit dapat ay may limitasyon. Ang anumang bagay na sobra o kulang ay nakasasama. Lucky numbers at color of the day ang 4-11-29-37 at yellow.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Harapin ang umaga na may ngiti sa labi. Iwasang makipagtalo sa magulang o mga kasamahan sa trabaho dahil may posibilidad na mangyari ito sa iyo. Dahan-dahan sa paglakad lalo sa madulas na lugar dahil may kahinaan ang tuhod. Lucky numbers at color of the day ang 3-19-21-24 at blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Ang pag-asenso ng isang tao ay hindi ibinibigay kundi pinaghihirapan. Huwag mainggit sa mga kaibigang nakakaangat sa buhay dahil pinagsikapan nila ito. Lalampasan mo sila kung gagawin mo rin ang ginawa nilang pagsisikap. Lucky numbers at color of the day ang 6-27-33-40 at lemon green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Aakuin ang responsibilidad na dapat ay sa iyong kasamahan. Nakatakdang magsakripisyo alang-alang sa pag-ibig. May isang kaibigan na magpapautang sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 6-14-30-35 at gray.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Nasa halamang gamot ang kalunasan sa dinaramdam. Magiging balakid sa pag-asenso ang ginagawang panlalamang sa kapwa. Huwag maging maramot. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 12-23-26-27 at apple green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
Masakit ang ulo sanhi ng sobrang pagpupuyat o pag-inom nang labis na alak ng nakaraang araw. Kung hindi ito titigilan, malaking halaga ang mapupunta sa doctor. Kalusugan ang tanging yaman mo na dapat ingatan. Lucky numbers at color of the day ang 7-29-31-44 at beige.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Matinding selos ang mararamdaman. Ito ay bunga ng pakikipagkaibigan ng minamahal sa isang mayamang tao. Ang selos kung wala sa lugar ay magdudulot ng malaking panganib sa relasyon. Basahing mabuti ang anumang papeles na kailangang lagdaan at baka ikaw ay malamangan. Lucky numbers at color of the day ang 2-24-34-42 at purple.

vuukle comment

AAKUIN

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with