Marso 3, 2004

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) – Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte o ligaya subalit isang Aries ang magbibigay ng problema o sakit ng damdamin. Iwasan pansamantala ang mga kilalang Capricorn dahil posibleng magkaroon ng di-pagkakaunawaan kung may kaguluhang magaganap. Lucky numbers at color of the day ang 22-24-31-43 at red.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Magpapabagu-bago ang timpla ng mood ngayon. Magpasalamat kung hindi lamang ang pag-init ng ulo ang mangyari dahil tiyak maraming masasaktan sa mga makakaharap. Mabuting magtimpi dahil baka makasagupa ng katapat. Lucky numbers at color of the day ang 2-16-18-22 at sky blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
May oras sa trabaho at paglilibang, gayundin sa pamilya. Dapat bigyan ng sapat na panahon ang minamahal. Kailangan niya ang iyong pangangalaga at tulong. Nasa tamang daan ang progreso sa buhay. Lucky numbers at color of the day ang 2-19-23-42 at avocado green.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Matatagpuan ang tamang solusyon sa problema tungkol sa hanapbuhay. Kung tututukan ang problema sa tahanan, tiyak may solusyong mahahanap. Huwag ipagwalambahala ang suliranin dahil kung hindi aaksyunan ay siguradong lalala pa ito. Lucky numbers at color of the day ang 10-13-34-39 at yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Dahil sa hangaring umunlad, hindi tamang sirain ang kapwa upang umangat. Walang makakaligtas sa prinsipyo ng karma. Hindi pa huli para magbago. Sa sariling sikap, matamis ang tagumpay na maaangkin. Lucky numbers at color of the day ang 11-14-27-34 at dollar green.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Sa dami ng mga activities ngayon, daranas ng kapaguran ngunit ang kapalit ay kaligayahan dulot ng pag-ibig. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Laanan ng panahon ang pagpapahinga dahil magiging mahina ang pulmon at madaling kapitan ng sipon at ubo. Lucky numbers at color of the day ang 12-13-39-42 at pink.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Walang perpektong relasyon. Away, tampuhan, galit-bati, lahat nariyan ngunit kailangang iwasan ngayon ang magkaroon ng alitan sa pagitan ng minamahal dahil posibleng humantong sa matagal na tampuhan o paghihiwalay. Pairalin ang kahinahunan at haba ng pasensya. Lucky numbers at color of the day ang 8-17-39-41 at white.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Basta nasa katwiran, ipakita na may pang-gulpi de gulat kang itinatago dahil may ilang sobra na ang pang-aabuso sa iyong kabaitan. Ang di-pag-imik ay makakabuti ngunit hindi nangangahulugan na walang damdaming masasaktan. Panindigan kung anuman ang ginawang desisyon. Lucky numbers at color of the day ang 7-18-19-22 at yellow.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Magpakahinahon sa pagkilos at pagsasalita upang maiwasan ang makasakit sa kapwa o magkamali. Dahil sa kalituhan ng isip, makabubuting suriin at pag-aralan munang mabuti ang mga bagay na dapat gawin. Iwasang magpautang. Lucky numbers at color of the day ang 9-24-28-40 at white.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
May maganda at kapangitang lilitaw tungkol sa pribadong buhay ngunit huwag mabahala dahil sa huli ay magwawagi kung magpapaliwanag nang mahinahon. Iwasang magalit at padala sa emosyon. Magandang pagkakataon para maipakita ang paninindigan at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 14-16-36-37 at light gray.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Isaisantabi muna ang lovelife dahil ang pokus ngayon ay ang pinansyal na aspeto. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Huwag padala sa sulsol ng iba. Lucky numbers at color of the day ang 2-17-29-38 at aqua blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Ang swerte ay minsan lamang kumatok sa pintuan. Huwag paalpasin na posibleng dumating ngayon. Maghanda kung anuman ang dumating at kung para sa ikauunlad, sunggaban agad at huwag pakawalan. Lucky numbers at color of the day ang 10-14-20-41 at blue.

Show comments