^

Kutob

Marso 20, 2003

- Madam Rosa -
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) – Maganda ang panahon sa namamasukan sapagkat mapapalabas ang kakayahan at talino. Iwasang mangako sa anumang bagay. Hindi angkop ang paglalakbay. Iwasang mapasubo sa anumang pakikipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 10-18-21-39 at green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Iwasan ang maglakbay nang malayo lalo na kung tawiring-dagat. Nasa signos ang aksidente kaya iwasan ang paglalakad o lumabas ng bahay kung hindi naman talaga kailangan. Iwasan din ang mga paanyaya ng barkada. Lucky numbers at color for the day ang 11-19-31-37 at ruby red.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Makatatagpo ng mga bagong kakilala sa isang pakikisalamuhang-sosyal. Mapalad sa itatayong negosyo kung sisimulan ngayon. May biyayang naghihintay mula sa trabaho o negosyo. Maging alerto. Iwasang masangkot sa anumang argumento. Lucky numbers at color for the day ang 5-11-22-34 at violet.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– May pagkakataong malutas ang suliranin tungkol sa pera. Isang Virgo ang magbibigay ng kaligayahan o tulong. Ipagpaliban ang anumang desisyon upang mapag-aralang mabuti. Huwag magpaluwal ng anumang bagay mula sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 12-14-24-39 at pink.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Huwag magmalabis sa mga gawain dahil kalusugan ang bibigay. Magiging masaya ang romansa. Mag-ingat sa pagpapahayag ng taglay na hinanakit at baka humantong sa di-pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 7-12-32-40 at orange.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Ang inaasahang pera na matagal nang hinihintay ay maaalintana lamang. Ang sikretong itinatago na hindi napapanahong malaman ay matutuklasan ngayon. Ihanda ang sarili dahil susubukan ang iyong katapatan. Lucky numbers at color for the day ang 34-9-11-36 at emerald green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. May dadaluhang simpleng okasyon sa kapitbahay o kaibigan. Umaayon ang panahon sa pagmumuni-muni upang makatuklas ng magandang paraan na ikakaunlad. Hindi angkop ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ang 11-19-31-38 at ruby red.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Ang inaasahan ay darating sa tamang oras. May pagkakataong mapabuti ang kalagayang pinansyal. Matutong manindigan sa sarili at isaisip ang kahalagahan ng pera at panahon. Lucky numbers at color for the day ang 9-36-39-42 at mustard yellow.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Kailangan ang malaking pakikibagay sa mga nakatataas sa tungkulin. Angkin ang malakas na ESP kaya ang kutob ay dapat sundin. Iwasan ang magpalalim ng gabi sa labas ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 4-15-29-37 at midnight blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Huwag patulan ang pamimika ng iba. Sundin ang tibok ng puso at tiyak hindi magkakamali. Ang bagabag ay mapapalitan ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 10-22-30-34 at lavander.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Higit mabuti kung makukuha ang suporta ng pamilya sa mga binabalak. Maraming dapat gawin subalit ang kalituhan ang magbibigay ng abala. Isang kaibigan ang maghahatid ng balitang ikaliligaya. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-36-47 at aquamarine.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Hinahon at pag-aaral na mabuti ang dapat panatilihin bago magdesisyon. Nasa panig ang kaunlaran ng kalagayang pinansyal. Iwasan ang magulong lansangan. Magiging saksi sa isang pangyayaring di-malilimutan. Lucky numbers at color for the day ang 13-24-33-39 at burnt orange.

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG VIRGO

IWASAN

IWASANG

LUCKY

MAGANDA

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with