^

Kutob

Pebrero 20, 2001

-
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) -- Iwasan ang maging masalita sa araw na ito. Maaaring makatagpo ng taong makakasalungat at madaling mag-init ang ulo. Ang kahinahunan ay higit na mapapakinabangan. Iwasan ang anumang uri ng pakikipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 1-20-32-38 at magenta.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Isang mahalagang kasunduan ang maaaring magawa ngayon. Magiging malakas ang ganyak ng pakikipagsapalaran. Hindi umaayon ang araw sa pagsisimula ng isang bagong proyekto. Lucky numbers at color for the day ang 4-10-37-42 at red.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Harapin ang katotohanan at huwag iwasan ang pananagutan. Panindigan ang ginawa upang maging maganda ang iyong araw. Iwasan ang maging mapusok. Lucky numbers at color for the day ang 2-25-31-37 at corn yellow.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Hindi makakabuti ang makipagtalo sa kasambahay. Papanaigin ang kahinahunan at pang-uunawa. Ang paglilibang ay magiging masaya. Lucky numbers at color for the day ang 14-36-38-42 at maroon.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- May isang kaibigang dadalaw sa iyo. Magiging abala sa trabaho. Magiging mapag-unlak ang sinumang taong makakausap. Lucky numbers at color for the day ang 3-24-31-39 at ocean blue.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Ang karanasang mapupulot ngayon ay karagdagan ng iyong karunungan. Sa panig ng negosyo, may palatandaan ng pagiging progresibo. Maganda ang takbo ng romansa. Lucky numbers at color for the day ang 2-27-32-35 at tangerine.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Iwasan ang hindi inaasahang panauhing darating. Ang pagnanais na mamalagi sa tahanan ay magiging mahalaga ngayon. Isaalang-alang ang ilang payo ng mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 19-28-31-42 at dollar green.

LIBRA
(Set. 24-Okt. 23) -- Posibleng ang pag-aayos sa loob ng tahanan ang maging daan ng kasiglahan. May pagkakataong madagdagan ang kinikita. Ang kalusugan ng isang anak ay maaaring makasagabal sa mga gawain. Lucky numbers at color for the day ang 21-29-36-42 at pink.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- Ibuhos ang pag-iisip at panahon sa pag-aaral. May kanais-nais na balitang matatanggap. May posibilidad ng paglalakbay na may kaugnayan sa trabaho. Mahalaga ang pagtanggap ng bisita. Lucky numbers at color for the day ang 24-28-31-41 at sapphire blue.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Gawing parang isang paglilibang ang paggawa sa loob ng tahanan. Magiging kasiya-siya ang pagdalaw sa isang kaibigan. Panindigan ang anumang responsibilidad ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 4-25-33-38 at yellow.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Mapapabuti ang kalagayang pinansyal. Maaaring makatanggap ng mahalagang balita mula sa kaibigan. May ilang sumusukat sa iyong kakayahan. Pakitunguhang mabuti ang mga taong naiinggit sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 6-8-24-34 at crimson.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Maging maingat sa pagpili ng iinuming gamot. Magpakonsulta muna sa doktor. Mahalagang pag-ukulan ng atensyon ang kalagayang pinansyal. Iwasan ang maging mapaghanap. Lucky numbers at color for the day ang 6-21-33-41 at indigo.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

IWASAN

LUCKY

MAAARING

MAGIGING

NUMBERS

OKT

PANINDIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with