^

Bansa

VP Sara, hindi raw kumakampi sa China

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi umano pumapanig si Vice President Sara Duterte sa China, sa gitna ng iringan sa pagitan ni Chinese Ambassador Jing Quan at ilang opisyal ng pamahalaan.

Ito ang tiniyak ni Atty. Paolo Panelo, tagapagsalita ni VP Sara, nang mahingian ng komento hinggil sa pananaw ni VP Sara sa isyu.

Ani Panelo, “Hindi naman po kinakampihan ni VP Sara ang China sa usaping ito— ‘yung parang word war na nangyayari between the ambassador and our government officials.”

Aniya, ang pananaw ni VP Sara ay hindi dapat na makialam ang mga pulitikong tulad niya sa ganitong usapin. Ipinauubaya na rin aniya ito ni VP Sara sa mga diplomats ng Pilipinas.

“Ang pananaw po ni VP Sara diyan, dapat po ‘yung mga politicians, kasama na po siya, hindi po makisawsaw sa issue na ‘yan dahil ang dapat nakikipag usap sa China ay ang mga diplomats natin,” aniya.

Dagdag pa ni Panelo, naniniwala rin ang bise presidente na dapat na pahupain ang sitwasyon.

“Ang position niya po si dapat bring the temperature down, diba. I-deescalate itong tension at hayaan ang mga diplomats natin sa Department of Foreign Affairs na makipag-usap at ayusin itong gusot na ito sa China,” aniya pa.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with