^

Police Metro

Pag-aresto kay Bato, mas madugo pa sa Marawi siege

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Posibleng mas ma­raming masawi sa pag-aresto kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kaysa sa labanan sa Marawi noong 2017”.

Ito ang naging babala si Interior and Local ­Government Secretary Jonvic Remulla na posibleng humantong sa madugong sagupaan ang sapilitang pag-aresto sa senador, na pinaghahanap kaugnay ng arrest warrant na inilabas ng Internatio­nal Criminal Court (ICC).

Batay sa impormasyon ng mga otoridad, nagtatago si Dela Rosa sa Mindanao sa ilalim ng proteksiyon ng isang makapangyarihang grupo na may maraming armadong tauhan. Hindi naman tinukoy ni Remulla ang grupo o naglahad ng ebidensiya upang suportahan ang kanyang pahayag.

Dahil dito, nakiki­pagnegosasyon ang mga otoridad upang hikayatin ang senador na kusang sumuko sa halip na magsagawa ng operasyong maaaring magdulot ng maraming kaswalti.

Inamin din ni Remulla na nagkamali siya nang hindi ipaaresto si Dela Rosa nang magtungo ito sa Senado noong Mayo.

Sinabi niyang nagtiwala siya noon sa katiyakang nasa kustodiya na ng Senado ang senador.

MARAWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with