^

Probinsiya

5 ‘tulak’ huli sa Bacoor buy-bust

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
5 ‘tulak’ huli sa Bacoor buy-bust
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang limang kalalakihan na pawang mga nasa  Street Level Individuals sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng madaling-araw sa Sorrento, Brgy. Habay 1, Bacoor City. 

Kinilala ng pulisya ang mga naares­tong suspek na sina alyas Josemar, Jaspher, Jebenzi, John at Darwin, pawang residente ng lugar. 

Base sa ulat ng pulisya, alas-3:00 ng madaling araw nang isagawa ng pulisya ang buy-bust laban sa mga suspek.

Isang pulis na tumayong poseur-buyer ng shabu at nakipag-deal sa mga suspek. 

Nang magpositibo ng transaksyon, ikinasa ang buy-bust ng mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Bacoor City Component Police Station (CCPS) sa tulong ng PDEA laban ng mga suspek na matagumpay na naaresto.

Nasamsam sa operasyon ang 6-plastic sachet ng shabu na nasa 4.3 gramo at nagkakahalaga ng P29,240; at isang improvised firearm (sumpak).

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with