^

PSN Showbiz

Pops, tuloy rin ang pagpo-produce

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Pops, tuloy rin ang pagpo-produce

Uuwi ng Pilipinas ang dalawang US-based sons ng concert queen-turned concert producer na si Pops Fernandez sa kanyang ex-husband, ang Concert King and music icon na si Martin Nievera, na sina Robin at Ram Nievera kasama ang kanilang almost three-year-old grandson na si Finn (Phineas) at partner ni Robin na si Mian Acoba in time for Pops’ upcoming pre-birthday and anniversary concert.

Nakatakdang ganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts sa darating na Nov. 26, 2026 sa ganap na ika-8 ng gabi ang POPS sa direksyon ni Calvin Neria kasama si Homer Flores as musical director.

Magiging special guests sa concert ang kanyang Ninang Helen Gamboa-Sotto, her ex-husband and stage loveteam na si Martin Nievera and her friends na sina Regine Velasquez, Vina Morales, Erik Santos at Jay Durias ng South Border. Magkakaroon pa ng ibang surprise guests na ayaw pang i-reveal ni Pops.

Buo ang modernong pamilya ni Pops sa Pasko dahil maging ang kanyang ex-husband na si Martin ay narito pero pagkatapos ng celebration ay lilipad ito ng Las Vegas para naman mag-celebrate ng New Year with his youngest son (kay Katrina Ojeda) na si Santino.

Kahit matagal nang hiwalay ang dating mag-asawang Pops and Martin ay kinu-consider pa rin niyang pamilya ang kanyang ex-wife dahil sa kanyang dalawang anak na sina Robin at Ram.

 Sa recent interview kay Martin bago ito lumipad patungong Australia for a series of concerts, inamin nito na kahit magkakalayo sila ng kanyang tatlong anak, he makes it a point na may oras siya para sa kanila laluna na ngayon na meron na silang apo kay Robin na si Finn.

Ang mag-partner na Robin at Mian at ang kanilang anak ay sa Chicago naka-base habang sa Las Vegas naman si Ram gayundin si Santino with his mom na si Katrina na may iba pa ring partner. Maging ang longtime partner ni Martin, ang non-showbiz na si Anj del Rosario ay sanay na rin sa sitwasyon.

Kahit malapit nang magkaroon si Pops ng discount card, she thinks age is just but a number at wala umano sa kanyang immediate plans ang pagre-retire lalupa’t siya ang tumatayong breadwinner sa kanyang pamilya.

“Bukod doon, I love what I’m doing,” deklara niya.

Bukod sa pagiging Concert Queen, si Pops ay nagpu-produce rin ng concerts featuring other artists at ang kauna-unahang major concert na prinodyus ni Pops ay ang first major concert ni Toni Gonzaga na ginanap sa Aliw Theater nung February 2008 na naging matagumpay. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang pagpu-produce niya.

Pops had her first major solo concert when she was 16 years old sa Folk Arts Theater na pinamagatang Folks Meet Pops nung 1983. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang kanyang pagpuno na malalaking venue hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Abangan n’yo ang aming exclusive one on one interview with Pops sa aming vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel sa darating na Oct. 23, Friday at 12:00 noon.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with