^

Police Metro

Chinese national at driver utas sa landslide

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang tao ang kumpirmadong patay kabilang ang isang Chinese national at isang Pinoy na truck driver habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang slope protection structure sa Tipo High-Tech Park, Subic Bay Freeport Zone sa Zambales sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan dulot ng habagat noong Sabado, Agosto 29, 2026

Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Peng Jiahan, Chinese national, 26-anyos, Sales and Marketing Supervisor ng Fubong Environmental Technology at Ernesto Ramos, 47-anyos, dump truck driver ng AM-SAR Trucking.

Habang ang dalawang nasugatan na nilalapatan ng lunas sa James Gordon Memorial Hospital sa ­Olongapo City ay kinilalang sina Rommel Adion, truck helper na nagtamo ng hinalang bali mula baywang pababa at Jay Jomar Azuela, 27, na nagtamo ng mga galos o abrasions sa katawan.

Batay sa ulat ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), nangyari ang insidente, bandang alas-10:45 ng matapos na lumambot ang lupa sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa loob ng ilang araw na dala ng habagat.

Nagsagawa ng search and rescue operation ang mga otoridad at nakuha ang apat na biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan,subalit idineklarang dead-on-arrival sina Jiahan at Ramos.

SUBIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with