^

Probinsiya

‘Wanted’ na gang leader todas sa encounter!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
‘Wanted’ na gang leader todas sa encounter!
Mahigpit ang ipinatutupad ng pulisya na seguridad sa Maguindanao kasunod ng pagkapaslang sa “wanted” na criminal gang leader na si Rambo Guiasalim sa isang operasyon nitong Linggo sa Barangay Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.
John Unson

Sangkot sa pagpatay sa ‘SAF 44’

COTABATO CITY, Philippines — Napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur ang isang gang leader na wanted sa maraming kaso ng murder, frustrated murder, trafficking ng ilegal na droga at 12 kaso ng pagnanakaw ng sasakyan nitong Lunes.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na criminal gang leader na si Rambo Guiasalim. Siya ay kabilang sa grupong umatake sa isang platoon ng Special Action Force (SAF) ng pulisya na nagsagawa ng operasyon upang arestuhin ang Malaysian terrorist na si Zulkifli Bin Bir alyas “Marwan” noong Enero 25, 2015 sa Pidsandawan, Mamasapano, Maguindanao del Sur. Napatay sa operasyong iyon ang 44 na tauhan ng SAF, na insidenteng yumanig sa buong bansa.

Nabatid na aarestuhin na sana nang mapayapa ng mga operatiba ng iba’t ibang unit ng Maguindanao del Sur Provincial Office ang matagal nang pinaghahanap na si Guiasalim sa Barangay Kuloy, Shariff Aguak pero nanlaban at bumunot ng .45 caliber na pistola at nagpaputok dahilan upang mauwi sa bakbakan ang operasyon na kanyang ikinamatay. Nasugatan naman sa engkuwentro ang asawa nito na si Marisa Bukanan-Guiasalim na agad isinugod sa ospital.

Sinabi ni Captain Steffie Salanguit, tagapagsalita ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad ring dinakip ng mga pulis ang kasama ni Guiasalim na si Tato Edzong, na wanted rin sa mga mabibigat na kasong kriminal. Kusang-loob umanong sumuko si Edzong sa mga pulis matapos ang insidente.

Ayon kay Salanguit, nakumpiska kay Edzong ang isang fragmentation grenade.

Isa sa mahigit 10 kaso ng murder na dapat harapin ni Guiasalim ay ang umano’y pagkakasangkot niya sa pagpatay noong 2014 kay Alfredo Amelista, municipal administrator ng Shariff Aguak, sa isang mapangahas na pag-atake sa isa sa mga barangay ng munisipyo. Nasangkot din umano siya sa 15 kaso ng pagnanakaw ng mga motorsiklo at sasakyan mula 2015 hanggang 2017.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with