^

Police Metro

3 pumatay sa SHS student, arestado

Doris Franche-Borja - Pang-masa
3 pumatay sa SHS student, arestado
Sa report ng QCPD, nagkasa ng follow-up operation ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) laban sa mga suspek hanggang sa madakip ang tatlo.
STAR / File

MANILA, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang 18-anyos na lalaki at dalawang menor-de-edad na umano’y sangkot sa pananaksak at pagpatay sa isang 16-anyos na senior high school student sa labas ng isang billiards establishment sa Quirino Highway, Brgy. Pasong Putik Proper, Quezon City noong Agosto 13.

Sa report ng QCPD, nagkasa ng follow-up operation ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) laban sa mga suspek hanggang sa madakip ang tatlo.

Sa imbestigasyon, alas-6:00 ng gabi ay nagtungo ang biktima kasama ang kanyang mga kaklase sa isang bilyaran nang dumating ang mga suspek at hinamon ang grupo ng biktima ng suntukan.

Nauwi ang komprontasyon sa away hanggang sa bumunot ng patalim ang isa sa mga suspek at paulit-ulit na sinaksak ang biktima bago tumakas.

Agad na isinugod ang biktima sa Commonwealth Hospital ngunit idineklara itong dead-on- arrival ng mga doctor dahil sa tinamong mga saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib at kaliwang puwitan.

Ang tatlong naaresto ay kinasuhan na ng homicide sa Quezon City Pro­secutor’s Office.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with