Anne, nagparamdam sa musical!

Nag-post si Anne Curtis ng clip ng Grease movie nina Olivia Newton John at John Travolta at nag-comment ng “The way I was obsessed with this as a kid!!! LUH!!!”
Dahil sa comment na ito ni Anne, nag-react ang kanyang fans at sabi ng isa, “Gusto nya ata magprod neto. HAHAHA.”
At aprub sa fans na gumawa siya ng musical. Kapag natupad ito, mapapasabak sa kantahan at sayawan si Anne and between singing and dancing, tila mas praktisado siyang kumanta. Ibinida nga nito na nag-concert siya nang dumayo ang ASAP sa Australia at sa reels na aming napanood, Anne did a good job, nagsigawan at nagpalakpakan ang audience at tuwang-tuwa sa kanya.
And speaking of Anne, may ginagawa o may gagawin itong pelikula, drama uli, wala pa nga lang detalye. Hintayin natin ang formal announcement sa mga susunod na araw.
KimPau, kasalan ang susunod na gagawin
Ang Quantum Films ni Atty. Joji Alonso ang producer ng new movie nina Kim Chiu at Paulo Avelino na A Perfect Marriage at teaser poster pa lang na kalahati pa lang ng mukha ni Kim ang ipinakita, excited na ang KimPau fans.
Kinikilig ang KimPau fans sa thought pa lang na baka married couple ang role na gagampanan ng favorite love team nila. Marami nga namang sweet moment scene ang gagawin nina Kim at Paulo at ini-imagine pa lang ng fans, kinilig na sila.
Ang ganda raw ng title ng movie written by Chris Martinez and Therese Anne Cayaba at tama ba kami na si Chris din ang director ng movie? Kilala nilang magaling si Direk Chris at alam nilang hindi sila masu-shortchanged.
Ang ganda pa ng post ni Atty. Joji describing the film. “Science may help create life. But it cannot define love. It cannot determine who ultimately becomes family. A PERFECT MARRIAGE.”
Tanong din ng KimPau fans kung pang-2026 Metro Manila Film Festival (MMFF) ba ang movie at kung isa-submit nga ito ng Quantum Films sa MMFF, nangako sila ng suporta.
Rabiya at Jake, may kanya-kanyang ganap
Nakakatuwa ang mag-dyowang Rabiya Mateo at Jake Cuenca dahil kahit couple sila, may solo identity sila at may kanya-kanyang ganap na ipinagmamalaki ng bawat isa.
Si Rabiya, nagsimula nang pumasok sa UST kung saan, naka-enroll siya bilang first-year student ng College of Medicine. Post ng The Varsitarian, pinagtinginan ang GF ni Jake sa una niyang pasok sa UST. Sa Instagram post, makikita ang magandang ngiti ni Rabiya at pumasok siyang, lipstick lang at konting blush on at pulbos ang inilagay sa mukha.
Naka-vibes agad ni Rabiya ang kanyang classmates, marami silang larawan ng mga kaklase at siguradong marami pa ang magpapakuha ng photo na kasama siya.
Sa interview ng The Varsitarian, in-encourage nito ang iba na ituloy ang pangarap nila sa buhay.
“You can have a lot of dreams in your life. It doesn’t mean that you have this lifetime and you can only have one goal to reach. I want to be a doctor that is so inspirational that other younger women would look up to and they would say that this girl made everything possible.”
Si Jake naman, ventures to stage play. Kasama siya sa cast ng People, Places & Things.
Kasama sa cast si Bela Padilla na first time ring magti-theater at gaya ni Jake, excited ito sa opportunity to do theater.
- Latest




















