^

Probinsiya

1 katutubo, nakuryente dedo; 2 pa sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang katutubo habang malubhang nasugatan ang kanyang dalawang kasama nang makuryente habang gumagawa ng poso sa Mabini St., Barangay Daungan, sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasawi sa alyas na “Eduardo,” 40-anyos, trabahador at residente ng Bara­ngay Baao, na idinekla­rang dead-on-arrival sa Mauban Health Office.

Patuloy na ginagamot sa Mauban District Hospital ang dalawa nitong kasama na sina alyas “Nestor,” 61, residente ng Barangay Mabato, at alyas “Ronald,” 26, tricycle driver at residente ng Barangay Daungan.

Dakong alas-9:15 ng umaga habang ibinabaon nila nang patayo sa hinukay na balon ang isang mahabang tubong bakal ay aksidenteng napadikit ito sa 336-pair aluminum live wire na pag-aari ng Meralco.

Dahil basa ang ina­apakang bubong na yero ng tatlo ay mabilis na dumaloy ang kur­yente sa kanila na ikinahulog ni Eduardo habang kahit nagtamo ng mga paso at sugat sa katawan ay nagawang gumulong palayo ang dalawa niyang kasama.

MAUBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with