^

Pang Movies

Jeric, inaalalang rapper ang ambisyon noon!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jeric, inaalalang rapper ang ambisyon noon!
Jeric

Sa kanyang guesting sa Kay Susan Tayo! Vlogs ni Susan Enriquez, kinuwento ng ‘90s veteran action star Jeric Raval na nagtungo siya noon sa OctoArts Records para mag-audition, hindi bilang aktor kundi bilang rapper.

Pero nagkataon naman na pinasok na rin noon ng OctoArts ang paggawa ng pelikula at naghahanap sila ng bagong action star.

“I’m a huge fan of Francis Magalona at that time. Doon sa bayan namin sa Floridablanca (Pampanga), alam nila, rapper ako doon. ‘Pag may mga event-event kami nu’ng araw, nagbo-volunteer pa ako na. ‘Uy, bigyan n’yo naman ako number. Gusto ko mag-rap diyan,’” kuwento ni Jeric.

Nang magpunta raw si Jeric sa OctoArts Records para mag-audition, napansin siya ng action director na si Willy Milan at sinabi sa kanya na puwede siyang maging action star.

Sabi pa raw ni Direk Willy sa kanya: “Ipapakilala kita  sa big boss. Next week, magkita tayo dito ulit, ipi-pictorial kita.”

Hindi nga raw makapaniwala si Jeric nang makita na niya ang sarili bilang isang action star sa poster.

“So, na-develop na. Nagkita na kami ulit. Ipinakita sa akin. ‘O ito na, tingnan mo.’ Poster, malaki. ‘Aba oo nga ano. Naniwala ako. Sabi ko, ‘Puwede! Puwede akong action star,’” natatawang pag-alala ni Jeric.

Muling bumalik si Jeric sa OctoArts at kaagad na rin siyang pinapirma ng kontrata.

Bida agad ang role niya sa unang pelikula niyang Primitivo ‘Ebok’ Ala: Kalabang Mortal ni Baby Ama na pinalabas noong 1992.

Ang iba pang pelikulang pinagbidahan niya ay Valentin Zapanta Alyas Ninong, Boboy Salonga: Batang Tondo, Victor Meneses: Dugong Kriminal at iba pa.

Wedding dress ni Therese, may something old

Magiging espesyal ang wedding dress ni award-winning actress na si Therese Malvar sa nalalapit niyang kasal.

Bahagi ng gown niya ay galing mismo sa wedding dress ng nanay niyang si Cherry Malvar na isa ring aktres at mainstay ng sitcom na Pepito Manaloto.

Kwento ni Therese, gusto nilang panatilihin ang tradisyon sa pamilya nila na ipinamamana ang gown sa susunod na henerasyon.

“Parang generation to generation, nadadala pa rin ‘yung wedding dress ni Mommy. Actually, gustung-gusto po niya. Sabi niya, at least imbes na matatambak lang siya sa box, lagi siyang madadala sa bawat magiging anak ko, anak ng anak ko,” sey ni Therese.

Nakatakdang ikasal si Therese sa fiance na si Jaime Morados sa 2027.

Hollywood teen star na nanahimik, nagparamdam

Bagama’t pinili ng dating Hollywood teen star na si Jonathan Taylor Thomas na mamuhay nang tahimik, kamakailan ay nag-reunion sila ng dalawa niyang dating co-stars sa ‘90s American sitcom na Home Improvement.

Pinost ni Patricia Richardson, na gumanap na ina sa naturang sitcom, ang photo kasama ang TV sons na sina Jonathan at Taran Noah Smith.

Wala nga sa photo ang isa pang co-star nila na si Zachery Ty Bryan, na kasalukuyang nagsisilbi ng sentensya dahil sa felony DUI o driving under the influence noong 2024.

Twenty years na ang lumipas mula nang lumayo si Jonathan sa Hollywood at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at mamuhay ng pribado.

Nakapag-aral si Jonathan sa Harvard University for two years; St. Andrews University in Scotland for one year; at naka-graduate sa Columbia University in 2010.

“I’d been going non-stop since I was eight years old. I wanted to go to school, to travel, and have a bit of a break,” sey ng 44-year -old actor na nagbida sa show for eight seasons mula 1992 hanggang 1999.

JERIC RAVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with