Australiyanong wanted, dakma ng BI

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga pinagsanib na intel group ng Bureau of Immigration, PNP, PAF, at Navy ang issng 57 years old Australian national na may standing deportation order matapos itong magtago sa isang probinsiya.
Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang dayuhang si Bradley Vincent Gould, na nahuli sa Barangay Sum-ag, Bacolod City ng mga operatiba ng Regional Intelligence Operations Unit–Region VI ng Bureau.
Ayon sa mga awtoridad, si Gould ay may warrant of deportation na inisyu ng Bureau kasunod ng mga reklamo ng harassment at psychological abuse na isinampa laban sa kanya.
Kasunod ng kanyang pagka-aresto, ipinaalam kay Gould ang kanyang mga karapatan sa konstitusyon, dinala sa Maynila, at dinala sa Bureau of Immigration Warden Facility sa Muntinlupa City, kung saan siya mananatili habang hinihintay ang deportasyon.
- Latest

















