^

Metro

EDSA Rehab Ph 2, target sa 2027

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
EDSA Rehab Ph 2, target sa 2027
Motorists experience minimal traffic along EDSA-Kamuning going to Cubao as of 7:30 AM on March 19, 2026.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na makumpleto hanggang sa susunod na taon ang second phase ng isinasagawang EDSA rehabilitation project.

Sa isinagawang inspeksiyon sa naturang rehabilitation works kahapon, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na minamadali na nila ang konstraksiyon habang binabawasan ang aberya para sa publiko.

Kinilala rin ni Dizon na maaaaring abutin pa ng hanggang susunod na taon ang rehabilitasyon dahil sa haba ng proyekto. “Next year pa ’to kasi siyempre, mahaba,” aniya pa.

Ayon kay Dizon, natapos naman nila ang first phase ng rehabilitasyon sa takdang iskedyul nito at nasa ikalawang phase na sila sa ngayon.

Kabilang aniya sa mga pagbabago na gagawin sa second phase ay ang expansion ng drainage inlets upang paghusayin ang daloy ng tubig kung malakas ang pag-ulan.

Plano rin aniya nilang palawakin ang mga sidewalks sa EDSA upang maging mas accessible ito para sa mga pedestrians at mga siklista. 

Sa kanilang plano, sinabi ni Dizon na ang sidewalks na dating may sukat na nasa pagitan ng 1.2 at 1.5 metro ay palalawakin ng hanggang 3.2 metro.

Anang kalihim, ang mas malawak na sidewalk ay magpapahintulot sa mga siklista na ligtas na rin dumaan doon.

DPWH

EDSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with