^

Metro

Pumatay sa vlogger tukoy na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tukoy na ng binuong special task force ng Northern­ Police District (NPD) ang riding-in-tandem na naglikida sa  pro-administration vlogger na si Mima Alicia Lipata o “Mima Alicia” noong Biyernes ng madaling araw,  sa Caloocan City.

Ayon sa NPD, isa sa dalawang suspek ang tinutugis na ng mga tauhan ng Special Investigation Task Group (SITG) bagamat nakiusap sa media na hindi pa maaaring idetalye upang hindi masunog ang isinasagawang operasyon. 

Nitong Sabado nang ihayag ni NPD Director Police Brig. General Benliner Capili na binuo ang  Special Investigation Task Group “MIMA” para tumutok sa imbestigasyon.

Iniutos ni Capili sa task group na pakilusin ang buong puwersa ng investigative at intelligence resources upang agad na matunton ang mga suspek.

Batay sa ulat, ang vlogger na si Alicia “Mima Alicia” Lipata, 24-anyos , at live-in partner na si alyas “Nelboy­,” 25, ay pinasok sa inuupahang bahay sa  Barangay 171, Caloocan City, bandang alas-3:06 ng madaling araw nitong Biyernes, Hulyo 17.

Si Lipata, isang miyembro ng United Vloggers and Influencers of the Philippines, ay kilala bilang taga­suporta ng administrasyong Marcos at kritiko ni Vice Pres. Sara Duterte at mga personalidad na may ka­ugnayan sa pamilyang Duterte.

Pinakahuling vlog ni Lipata ang pagbatikos sa paliwanag ni Atty. Michael Poa sa sinasabing ‘bloodbath’ ni VP Sara, mga pagkaing ihahain umano sa Senado ay may lason at ang isyu ng abortion na tinalakay niya at ibinatay sa vlog ng ibang content creator-commentator.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with