^

Probinsiya

COC filing sa special election sa Dasma arangkada na

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
COC filing sa special election sa Dasma arangkada na
Mahigpit na binuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang tatlong araw na filing ng COC para sa mga nagnanais na tumakbo sa bakanteng puwesto ng napatalsik na si Kiko Barzaga sa House of Representatives.
Comelec via Facebook

DASMARIÑAS CITY, Cavite, Philippines — Pormal nang nagsimula kahapon, Hulyo 15, ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato para sa nalalapit na special election dito sa lungsod na itinakda sa Agosto 29.

Mahigpit na binuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang tatlong araw na filing ng COC para sa mga nagnanais na tumakbo sa bakanteng puwesto ng napatalsik na si Kiko Barzaga sa House of Representatives.

Unang dumating at naghain ng kanyang kandidatura si dating City Vice Mayor Rex Mangubat, na opisyal nang sumabak sa karera bilang kinatawan ng ika-4 na Distrito ng Cavite.

Tatlo ang kumpirmadong magtutunggali sa gaganaping special selection sa pagkakongresista sa nasabing distrito na sina Jennifer Austria Barzaga na kasaluku­yang Ma­yor; Jesse Frani, dating City Councilor, at Rex Mangubat, dating Vice Mayor ni Jenny Barzaga.

Ayon kay Atty. Mico Castro, provincial election supervisor, hindi magbibitiw sa puwesto si Mayor Jenny Barzaga kahit maghain siya ng kandidatura ngayong special election. Ang mga kasalukuyang halal na opisyal tulad ng alkalde, hindi itinuturing na nag-resign kapag tumakbo sa ibang posisyon, kaya maaaring mangampanya habang nananatili sa puwesto, dagdag pa nito.

Tatlong araw ang ita­tagal ng filing of candidacy o si­mula Hulyo 15 hanggang Hulyo 17.

COC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with