Mister pinasok, inutas sa bahay

GUINOBATAN, Albay, Philippines — Agad nasawi ang isang magsasaka matapos pasukin ng hindi nakilalang gunman at pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Magarog, Brgy. Bololo sa bayan ng Guinobatan, Albay kamakalawa ng umaga.
Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agarang nasawi ang biktima na si alyas “Jose”, 40-anyos, may-asawa.
Hindi naman nakilala ang agad na tumakas na suspek na nakasuot ng kulay mint green na t-shirt, khaki shorts, at may taas na 5’10”.
Sa ulat, dakong alas-6 ng umaga habang nasa loob ng kanilang bahay ang magsasaka nang biglang pumasok ang hindi nakilalang salarin.
Agad bumunot ang suspek ng hindi malamang kalibre ng baril at sa hindi malamang motibo ay walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima.
- Latest


















