^

Probinsiya

Bantang ‘mass shooting’ ng Grade 10, napigil

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

Baril narekober sa bahay

CAVITE, Philippines — Naagapan ng pulisya at mga guro ng isang eskwelahan sa Gen. Mariano Alvarez City ang isang tangkang “mass shooting” na isasagawa ng isang 15-anyos na Grade 10 student matapos na magsumbong ang isang kaklase, kahapon.

Batay sa report, nagtungo sa himpilan ng GMA police ang ilang guro ng nasabing eskwelahan at nag-report matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa isang estudyante na may isang kapwa Grade 10 student sa kanilang eskwelahan na may hawak diumanong maiksing baril at magsasagawa ng isang malawakang pamamaril sa kanilang eskuwelahan sa General Mariano Alvarez Technical High School ngayong darating na Hulyo 2.

Dahil dito, agad na iniutos ni Police Lt. Col Alexander Alvarez , hepe ng pulisya sa bayang ito ang agarang aksyon at agad tinungo ng mga tauhan nito ang bahay ng estudyante kasama ang kapitan ng nasabing barangay na Peter Catalon at kawani ng Violence Agaist Women and Children (VAWC). 

Kinausap ng grupo ang ina ng estudyante na si Gng. Jane, hinggil sa nalamang ­pagbabanta ng anak sa kanilang es­kwelahan. 

Sa panayam, hindi umano alam ng ginang ang ginawa ng anak pero inamin nito sa pulisya na may nakatagong baril sa kanilang bahay na pag-aari ng kaniyang ama na dating barangay captain ng Brgy. Calimag, GMA, Cavite, na namayapa na.

Narekober ang nasabing baril na walang serial number sa ilalim ng kanilang cabinet at kusang loob naman itong isinuko ng ina ng estudyante sa pulisya. 

Nasa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang nasabing estudyante para sa intervention program.

GUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with