Bela tuliro, Kathryn excited na!

Mainit na mainit ang naging pagsalubong ng mga Kapamilya sa mga bida ng dalawang ABS-CBN series Coco Martin’s Sigabo at Someone, Someday sa ginanap na Primetime Bida motorcade noong Linggo (Hunyo 28).
Umapaw ang mainit na pagmamahal ng mga taga-Pampanga matapos nilang dagsain ang mga lansangan para batiin ang Sigabo stars na sina Coco Martin at Julia Montes, at ang mga bida ng Someone, Someday na sina Kathryn Bernardo, at James Reid.
Taos-puso namang nagpasalamat si Coco sa walang humpay na suporta at pagmamahal ng Kapamilya at sa pagkakataong muling mabalik ang sigla ng sama-samang panonood ng mga pamilyang Pilipino sa telebisyon. “Napakasarap sa pakiramdam naming lahat na muling bumalik ‘yung mga tao sa panonood ng telebisyon. Sana lahat ng mga palabas, teleserye, pelikula, sana panoorin natin lalung-lalo na ‘yung gawang Pilipino kasi para sa ating lahat ito,” sabi niya sa naunang TV Patrol interview.
Excited naman si Kathryn na pasayahin din ang mga Pilipinong manonood para sa nalalapit na premiere ng kanyang pagbabalik sa teleserye. “This is actually our first-ever promo for Someone, Someday. Long way to go, but ramdam namin ‘yung init at excitement ng mga tao,” sabi naman ni Kathryn sa ABS-CBN News.
Nagmistulang piyesta ang selebrasyon sa motorcade dahil sa kasiyahan at dumadagundong na hiyawan ng mga Kapamilya, bata man o matanda, kung saan sinulit nila ang pagkakataong makipagkamay, magpa-picture, at makisayaw sa pangmalakasang song-and-dance number ng cast.
Ibang-iba na ngayong ang panood sa telebisyon dahil sa iba’t ibang platforms - tulad nitong CM’s Sigabo kung saan available ito Lunes hanggang Biyernes ng 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Malapit na rin mapanood ang Someone, Someday sa parehong mga platform, kabilang na rin ang Netflix kung saan una itong mapapanood.
Samantala, tuliro at tila may pagsisisi si Bela Padilla na napapanood ngayon sa Blood vs Duty pagkatapos humarap ang karakter niya sa matinding pagsubok sa pagbomba ng isang bus, na magdadala sa kanya sa pakikipagtuos sa kanyang ama at posibleng kamatayan.
Sa inilabas na teaser ng JRB Creative Production noong Biyernes (Hunyo 26), desperadong haharapin ni Agent Lara Angeles (Bela) si Datu Rahman (Jamie Fabregas) upang malaman ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kanyang mga tunay na magulang.
Ipinakita rin ang pakikipagharap niya sa umampon sa kanya na si Gen. Manuel Carillo (Bodjie Pascua). Papasok si Felix (Baron Geisler) na tila magdadala ng krimen na maglalagay sa alanganin sa buhay ng mga nasa eksena.
Samantala, isa rin sa tinamaan ng bus explosion si Jalil (Gerald Anderson), na bahagi ng Task Force Alpha kasama si Marcus (Richard Gutierrez) na dapat sana ay magliligtas sa mga hostage na kinabibilangan ng pamilya ng Japanese investor.
Ngayong naging matagumpay si General Carillo sa paghahasik ng lagim sa bansa, mapigilan pa kaya siya ng task force bago mahuli ang lahat?
First time nagbida ulit sa teleserye ni Bela, pero nasabayan ng intriga ang kanyang pagbibida.
- Latest
























