^

PSN Opinyon

Sara trial pagsubok sa hustisya at pulitika

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Aabutin ng 7 hanggang 8 buwan ang impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte. Ito na ang pinakamahaba sa kasaysayan ng bansa. Kung matatandaan tumagal lang ng 23 araw ang trial ni dating pangulong Joseph Estrada (2001) na nauwi sa EDSA Dos habang si ex-Justice Renato Corona (2012) ay 44 araw.

Ang impeachment trial na magsisimula sa Hulyo 6, 2026 ay nakatuon sa mabibigat na akusasyon gaya ng maling paggamit ng confidential funds, bribery, unexplained wealth at pagbabanta laban kay Pangulong Marcos Jr.

Dalawa sa mga inaasahang magiging makabuluhang testigo ay ang dating court sheriff na umano’y sinapak ni Sara sa isang insidente noong siya ay alkalde pa ng Davao City. Ang insidenteng ito ay muling binubuksan upang ipakita ang pattern ng pananakit at pang-aabuso umano ng kapangyarihan.

Inilista rin si “Mary Grace Piattos” na naging kontrobersiyal dahil katunog ng pinaghalong restoran at chitchirya, bilang pangunahing testigo na isa umano sa recipients ng confidential funds.

Natapos noong Hunyo 25 ang pre-trial conference matapos ang limang araw ng pagmamarka ng nasa 10,000 “pieces of evidence”. Ilalabas naman sa Hunyo 29 ang pre-trial order na magsisilbing “roadmap” ng trial.

Ang impeachment trial ni VP Sara ay isa sa pinakama­laking political events ng 2026. Higit pa ito sa isang legal na laban. Ito ay pagsubok sa integridad ng pamahalaan at sa tiwala ng mamamayan. Ang pagdalo ng mga testigo ay inaasahang magbibigay ng mas malinaw na larawan ng mga paratang laban sa kanya. Sa bigat ng mga ebidensya at haba ng paglilitis, nakasalalay dito ang direksyon ng politika ng bansa bago ang 2028 elections.

EDSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with