59 ‘pasaway’ nalambat sa loob ng 24 oras
MANILA, Philippines — Nasa 59 indibidwal na may mga paglabag sa iba’t ibang krimen ang nalambat ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa pinaigting na operasyon mula Hunyo 26 hanggang Hunyo 27, 2026.
Sa ilegal na droga, 15 indibidwal ang naaresto, at nakumpiska ang humigit-kumulang 34.37 gramo ng shabu na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na P233,716.00.
Sa mga wanted person, 14 ang nahuli na kinabibilangan ng ng isang Top Most Wanted Person, dalawang Most Wanted Person, at 11 Other Wanted Person.
Samantala, sa ilegal na sugal, 17 indibidwal ang dinakip sa pitong isinagawang operasyon.
Dalawa naman ang naaresto sa pagdadala ng loose firearms at nakumpiska ang dalawang baril.
Hindi rin pinalampas ang mga lumabag sa lokal na ordinansa, kung saan nakakolekta ng P440,650.00 na multa. Ang mga pagsisikap na ito sa pagpapatupad ay nagtataguyod ng disiplina, nagpapalakas ng pagsunod sa mga lokal na regulasyon, at nakatutulong sa mas ligtas at mas maayos na mga komunidad.
- Latest























