^

Bansa

Morales dati nang nakulong sa mga maling testimonya, estafa - PDEA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Morales dati nang nakulong sa mga maling testimonya, estafa - PDEA
Ang mug shot photo ni ex-PDEA agent Jona- than Morales na inilabas ng PNP nang makasu- han ito dahil umano sa maling testimonya noong Marso 2023.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dati nang dinakip si dating PDEA agent Jonathan Morales, dahil sa ginawang mga maling testimonya at estafa noong Marso 2023.

Ito ay matapos ilabas ng Philippine National Police (PNP) ang mugshots ni Morales kaugnay sa mga kasong isinampa sa kanya noong 2023.

Ayon sa PNP, nahaharap si Morales na nagdadawit kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at aktres na si Maricel Soriano sa imbestigasyon sa Senado sa ilegal na droga sa mga kasong “False Testimony” at sa “Delay and Bungling in Prosecution of Drug Cases” sa iba’t ibang korte sa bansa.

Nabatid na si Morales na nadismis bilang PDEA agent ay inaresto ng mga tauhan ng San Fernando City, Pampanga Police at ikinulong sa Pasig City police jail dahil sa mga kasong inihain ng ahensiya at ng mga government prosecutors laban sa mga big-time drug personalities.

Sa bisa ng warrant of arrest ay dinakip si Morales sa mga kasong kriminal gaya ng maling testimonya sa ilalim ng Article 180 ng Revised Penal Code, Section 91 at 92 ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Agad namang pinalaya si Morales matapos na makapag-piyansa ng P120,000.

Magugunitang sinibak si Morales sa PDEA Intelligence and Investigation Service, dahil sa dishonesty, grave misconduct, at conduct prejudicial to the best interest of the service noong nakaraang taon.

Umani naman ng batikos ang komite ng Senado na pumayag na tumestigo si Morales sa pagdinig dahil sa anya ay kawalan ng credibility.

Samantala sa social media post ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson itinulad niya si Morales sa Senate hearing witnesses noon na si Antonio Marquez aka “Ador Manaway” at Mary Go aka “Rosebud” at tinawag na “jukebox’ gang.

“Guess who dropped the coins to make them sing”, sinabi pa ni Lacson sa kanyang post sa X (dating twitter).

Nauna na rin tinawag ni Pangulong Marcos si Morales na professional liar at walang kredibilidad at itinulad ito sa isang ‘jukebox” na kahit anong kanta ay kakantahin for free.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with