Time For Glory pinasaya ang bayang karerista
MANILA, Philippines — Napasaya ng Time For Glory ang kanyang mga tagahanga matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.
Hindi nasindak ang Time For Glory sa ibang matutulin sa largahan kaya nahawakan agad nito ang unahan.
Pero hindi siya pinalayo ni Eazacky agad itong kumapit sa Time For Glory.
Nilulutsa ng Eazacky ang Time For Glory sa kalagitnaan ng karera habang nakamasid sa tersero at pang-apat ang Robin Hood at Jungkook ayon sa pagkakasunod.
Pagdating ng far turn ay muling umunat sa unahan ang Time For Glory at nahawakan nito ang dalawang kabayong agwat sa huling kurbada.
Sa rektahan ay nasilayan ng mga karerista ang husay ng Time For Glory, nagwagi ito ng may tatlong kabayong bentahe sa pumangalawang Magtotobetsky.
Pangatlo ang Jungkook habang pumang-apat ang Bombay Nights sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Ginabayan ni jockey O’Neal Cortez, nirehistro ni Time For Glory ang tiyempong 1:38.4 sa 1,600 meter race.
- Latest

















