Metro Manila isasailalim sa MECQ, fake news
MANILA, Philippines — ‘Fake news.’
Ito ang tahasang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief BGen. Vicente Danao tungkol sa lumabas na ulat na isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila.
Ayon kay Danao, tanging ang Inter-Agency Task Force (IATF) lamang ang maaaring maglabas ng desisyon kung anong quarantine classification ang idedeklara sa isang lugar.
Nilinaw ni Danao na rekomendasyon lamang sila batay na rin sa report ng mga local government unit sa kaso ng mga may COVID.
Ang memo ay isang “covert deployment” para sa pagpapatupad ng MECQ sa MM na kasalukuyang nasa general community quarantine hanggang Disyembre 31.
Gayunman, sinabi ni Danao na nagpakalat siya ng mas marami pang pulis upang matiyak na naipatutupad ang mga health protocols laban sa pagkalat ng COVID-19.
Maging ang karagdagang deployment laban sa mga krimen at terorismo ay binabantayan din ng NCRPO.
- Latest