^

Metro

Parak bugbog-sarado sa 2 sekyu

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang pulis ng Manila Police District (MPD) ang ginulpi ng dalawang guwardya dahil lamang sa isyu ng parking kamakalawa ng hapon sa Taguig City.

Mga pasa sa mukha at katawan ang tinamo ng biktimang si PO3 Lorenzo Cata­rata,.

Sumailalim naman sa inquest proceedings para sa kasong physical injury at grave threat ang naarestong mga security guard na sina Salvador Gregorio at Marjun Gallenero.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD) naganap ang insidente ala-1:15 ng hapon sa East Service Road, Brgy. Western Bicutan,Taguig City.

Base sa kuha ng CCTV mula sa TESDA, Taguig City, minamaneho ni PO3 Catarata ang isang kotse ng biglang lapitan at utusan siya ni SG Gregorio na alisin ang sasak­yan sa lugar na agad namang sinunod ng pulis.

Dahil ma-trapik napabagal ng takbo ang sasakyan ni PO3 Catarata na ikinagalit ng guwardiyang si Gregorio at agad na pinalo ang kotse ng pulis bago umalis.

IIang segundo ang lumipas bumalik si Gregorio kasama si Gallenero at nilapitan ang sasakyan ni PO3 Catarata dahilan upang lumabas na ito ng sasakyan upang kumprontahin ang unang guwardiya na nauwi sa mainit nilang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo, itinulak ni Gregorio si PO3 Catarata kaya napilitang itulak din ang nasabing guwardiya na humantong sa komosyon.

Kitang-kita sa CCTV ca­mera ang ginawang panununtok ni Gregorio sa mukha ng pulis kaya wala siyang nagawa kundi ipagtanggol ni PO3 Catarata ang kanyang sarili laban sa dalawang guwardiya.

Bumunot ng kanyang service firearm si Gregorio, subalit tinangkang agawin ito ng pulis at tiyempo naman ang pagdating ng isa pang guwardiya  siyang umawat sa mga kasamahan.

Dahil dito, inaresto ang mga suspect ng rumispon­deng kagawad ng Taguig City Police. (

vuukle comment

SEKYU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with