^

Metro

Work documents ni Baldwin, nirerepaso ng DOLE

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Work documents ni Baldwin, nirerepaso ng DOLE
Matatandaang inis­yuhan ng show cause order ni DOLE Secretary Francis Tolentino si Baldwin upang hingian ng paliwanag kaugnay nang pagkalunod ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili habang nagsasagawa ng team building sa Aurora kama­kailan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ni­rerepaso na nila ang employment documents ni Tab Baldwin, ang nagbitiw na coach ng basketball team ng Ateneo de Manila University.

Ayon sa DOLE, ito’y matapos na matanggap na nila ang verified answer ad cautelam ni Baldwin kaugnay sa legal na estado ng kanyang trabaho sa Pilipinas. Nabatid na mismong ang Office of the Secretary ang na­ngunguna sa ebalwas­yon upang matiyak ang full compliance nito sa istriktong labor laws ng bansa.

Matatandaang inis­yuhan ng show cause order ni DOLE Secretary Francis Tolentino si Baldwin upang hingian ng paliwanag kaugnay nang pagkalunod ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili habang nagsasagawa ng team building sa Aurora kama­kailan.

Unang itinakda ang pagdinig sa kaso noong Hunyo 15 ngunit hindi nakadalo si Baldwin.

Sinabi naman ng DOLE na ipagpapatuloy nila ang pagdinig sa Lunes, Hunyo 29, kung kailan inaasahan nilang dadalo si Baldwin upang direktang sagutin ang kanilang mga katanu­ngan.

DOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with