^

Police Metro

Coed ni-rape ng pari

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naghain na nang pormal na reklamo ang isang 22-anyos na graduating college ng 6 counts of rape laban sa isang pari na nakatalaga at nagdaraos pa ng misa sa Tondo, Maynila.

Inihain ang reklamo nitong Linggo (Oktubre 15) ng biktima na itinago sa pangalang “Cherry”, residente ng Tondo, Maynila  laban sa suspek na itinago sa pangalang  alyas na “Father Mox”, nakatalaga sa isang simbahan sa Tondo, Maynila at nanunuluyan sa Bahay Pari San Carlos Pastoral Complex sa Edsa, Makati City.

Sa sinumpaang salaysay ni Cherry kay PO3 Marlyn Remetio, noong taong 2014 pa nagsi­mula ang panghahalay ng suspek sa biktima matapos silang magkakilala sa simbahan kung saan nagmimisa ang pari habang ang biktima ay isa sa office staff.

Dahil magkakilala umano sila ng pari, nagawa niyang humingi ng payo noon nang magkaroon ng problema sa kaniyang nobyo na nasa ibayong dagat.

Isinakay umano siya sa Innova na kulay gray, na minamaneho ng pari at habang siya ay naglalabas ng sama ng loob ay napansin niyang nasa bahagi na siya ng North Bay sa Tondo, at sa madilim na bahagi dakong alas-11:00 ng gabi, ay kinukuwentuhan sa karanasan ng pari sa pakikipagtalik sa naging nobya at pinuwersa siyang paghihipuan at gamitan ng daliri sa loob ng sasakyan.

Nasundan pa ito noong Disyembre 18, 2014 nang makiusap umano ang pari na makitulog sa kanilang bahay upang hindi ma-late sa pagmimisa sa “Simbang Gabi” at dito ay naganap ang pagtatalik nila.

Taong 2015, mga buwan ng Enero, Marso at Agosto, napilitan siyang sumama sa suspek at  nagtatalik sila sa Town and Country motel sa Sta. Mesa, Maynila,  dahil sa pananakot na ilalantad ang mga hubad niyang la­rawan, nandaya ng thesis at isa siyang bayaran sa sex.

Ibinulgar pa niya na sa pagtatalik ay gumagamit ng condom ang pari.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with