^

Police Metro

Rider sumalpok sa tanker truck, tepok

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang motorcycle rider matapos sumalpok sa kasalubong na tanker truck sa kahabaan ng national highway ng Brgy.Capuy, West District, Sorsogon City, Sorsogon niton Linggo ng gabi.

Ang nasawing biktima dahil sa tama sa ulo at ibat-ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Andy, residente ng naturang lunsod. Hawak na ng pulisya at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang truck driver na si Bert.

Sa ulat, pasado alas-8:00 ng gabi ay magkasalubong na binabagtas ng motorsiklo ng biktima at ng tanker truck ang kahabaan ng highway.

Gayunman, pagdating sa lugar ay naukopa ng rider ang linya ng kasalubong na tanker na hindi na nakaiwas kaya’t nasalpok ang motorsiklo.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nawasak ang motorsiklo pati ang unahang bahagi ng truck habang walang buhay na bumulagta sa kalsada ang rider.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with