^

Bansa

Tatanggi sa PhilSys ID, P500-K multa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Tatanggi sa PhilSys ID, P500-K multa
A sign posted at the registration site of the Philippine Identification System (PhilSys).
The STAR/File phot

MANILA, Philippines — Nagpaalala si Akbayan Rep. Chel Diokno na dapat tanggapin ang Philippine Identification System (PhilSys) ID o national ID bilang sapat at lehitimong patunay ng pagkakakilanlan sa mga transaksyon sa mga tanggapan ng gobyerno, bangko at pribadong institusyon, alinsunod sa Philippine Identification System Act at Executive Order No. 162.

Ayon kay Diokno, hindi dapat tanggihan o isantabi ang PhilSys ID dahil ito ay opisyal na dokumentong inilalabas ng PhilSys at kinikilala sa ilalim ng batas.

Aniya, mismong ang PhilSys na rin ang nagsabi na sapat na ang national ID bilang patunay ng pagkaka­kilanlan at hindi na dapat hingan pa ng maraming iba pang identification card o dokumento ang mga may hawak nito.

Ginawa ni Diokno ang pahayag kasunod ng mga reklamo ng ilang netizen na umano’y hindi tinatanggap o kinikilala ang national ID sa ilang tanggapan ng gobyerno at pribadong establisimyento.

Sa ilalim ng PhilSys Act, maaaring pagmultahin ng hanggang mahigit P500,000 ang mga opisina, institusyon o establisimyentong mapatutunayang lumabag sa batas sa pamamagitan ng hindi pagkilala o pagtanggap sa PhilSys ID bilang valid proof of identity.

Binanggit din ni Diok­no ang pelikulang “2 Valid IDs”, na aniya’y mahalagang mapanood upang higit na maunawaan ng publiko ang mga suliraning kinahaharap ng mga Pilipinong nahihirapang makakuha ng mga kinakailangang pagkakaki­lanlan.

Dahil sa tema ng pelikula, muli niyang nanawagan sa mga kina­uukulang tanggapan ng gobyerno at pribadong sektor na kilalanin at tanggapin ang PhilSys ID sa lahat ng lehitimong transaksyon.

Itinatampok sa naturang pelikula ang kuwento ng isang mahirap na magsasaka na nahirapang makuha ang perang ipinadala sa kanya ng isang kamag-anak dahil sa rekisitong magpakita ng dalawang valid ID.

PHILSYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with