^

Metro

NCRPO nagbabala sa mga pulis vs ‘moonlighting’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga pulis sa Metro Manila laban sa hindi awtorisadong sideline o “moonlighting” na maaaring makaapekto sa kanilang tungkulin at integridad bilang mga alagad ng batas.

Ayon kay NCRPO Officer-in-Charge PBGen. Christopher Abrahano, dapat manatiling nakatuon ang mga pulis sa kanilang serbisyo at iwasan ang mga trabahong maaaring makompromiso ang kanilang propesyonalismo at tiwala ng publiko sa kapulisan.

Inatasan ni Abrahano ang mga district director at station commander na paalalahanan ang kanilang mga tauhan tungkol sa mga patakaran ng Philippine National Police (PNP) sa pagtatrabaho sa labas ng serbisyo.

Alinsunod ang hakbang sa direktiba ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. at ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ni Interior Secretary Jonvic Remulla, na palakasin ang disip­lina, propesyonalismo, at pananagutan sa hanay ng kapulisan.

Binigyang-diin ni Abrahano na may kaakibat na responsibilidad ang pagsusuot ng uniporme, at hindi ito dapat gamitin para sa pansariling kapakinaba­ngan. Ang mga pulis na mapatutunayang lumabag sa mga patakaran ay maaaring maharap sa kaukulang administratibo o legal na aksiyon.

NCRPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with