^

Probinsiya

94-lola, natusta sa sunog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Daraga, Albay, Philippines — Nasawi ang isang 94-anyos na lola matapos hindi agad nakalabas sa nasusunog nilang bahay sa Purok-3, Brgy.Tagas, Daraga, Albay kahapon ng madaling araw.

Dinala pa sa Bicol Regional Hospital and Medical Center ang walang malay na biktimang si Lola Josefa pero ideneklara itong dead-on-arrival.

Sa ulat, bandang ala-1:18 ng madaling araw nang naganap ang sunog habang natutulog ang buong mag-anak.

Nagising na lang umano ang nasa pitong miyembro ng pamilya sa lakas nang pagkatok at sigaw ng isang kapitbahay nang nakitang naglalagablab na ang kanilang bahay.

Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nakalabas umano ang anim sa likurang bahagi ng bahay, pero hindi ang 94-anyos na matanda. 

Dakong ala-1:53 ay ideneklarang fireout ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection ang sunog na tumupok sa buong bahay, pero maswerteng hindi na ito kumalat pa sa mga katabing bahay.

Patuloy sa imbistigasyon ang BFP sa sanhi ng sunog.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with