Bulacan under state of calamity na

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Opisyal nang inilagay ang lalawigan ng Bulacan sa State of Calamity dahil sa malawakang pagbaha dulot ng ilang linggong pag-ulan dulot ng Habagat, at epekto ng Bagyong Luis at Maymay.
Idineklara ito kahapon Huwebes sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 708-T’2026.
Layunin ng deklarasyon na mapabilis ang relief at emergency assistance sa mga apektadong Bulakenyo.
Kasama rito ang food at non-food assistance, medical services, at rehabilitation/recovery efforts.
Ayon sa PDRRMO, lahat ng 20 bayan at 4 na lungsod ng Bulacan ay patuloy na nakakaranas ng pagbaha, habang nakapagtala rin ng landslides sa Doña Remedios Trinidad.
Nauna nang nagdeklara ng State of Calamity ang ilang lugar gaya ng Calumpit, Hagonoy at Bulakan, na kabilang sa mga lubhang binaha.
Dahil sa State of Calamity, may automatic price freeze sa basic necessities sa mga lugar na sakop ng deklarasyon, alinsunod sa Price Act.
- Latest















