Pulitika, pagkakahati-hati ng mga Pinoy isantabi muna — Sara

MANILA, Philippines — Umapela kahapon si presumptive Vice President Sara Duterte, Mayor ng Davao City sa mga natalong kandidato at kanilang mga supporters na isantabi muna ang pulitika at pagkakahati-hati matapos ang pambansang halalan noong Mayo 9.
Ayon kay Duterte, Chairperson ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) at Hugpong ng Pagbabago (HNP), ang mahalaga sa kasalukuyan ay ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng bansa.
Sinabi ni Sara na ang mga nahalal na mga bagong lider ng pamahalaan ay dapat magpokus sa pagsisilbi sa mamamayan supporters man o maging mula sa kalabang partido pulitikal.
Sa tabulasyon ng mga boto sa Comelec, nasa 31.1M na ang boto ni Marcos habang si Vice President Leni Robredo ay nasa 14. 8M.
Samantala si Duterte ay nasa 31.5M at ang pinakamalapit nitong karibal na si Kiko Pangilinan ay 9.2M.
Hinikayat ni Duterte ang mga supporters ng UniTeam na iabot ang kanilang mga kamay sa kanilang mga naging kalaban sa eleksiyon bilang tanda ng pakikipagkasundo sa mga natalo sa halalan para sa pagkakaisa.
- Latest



















