June ka na naman ngunit wala nang matukso
Na magpakasal sapagkat alam na ninyo —
Hiwa-Hiwalay muna and No Beso-Beso!
And not “I Do” but Ayuda gusto ng tao!
Eh kasi nga medyo nabago na ang takbo
O Balintuna talaga nakikita mo,
Mabuti pa ay sundan ang awiting ito —
Naturalmente ay Tough Hit na naman tayo!
Original nga pala nito for your info —
Himig ay gawa ng Pangulo ng Senado!
Lyrics naman ay ni-Write at ni-Wrong din ito
Ng Ang Poet N’yo and the song is Balatkayo!
(To the tune of Balatkayo)
Balintuna ngayon
Ang buhay sa mundo
It’s irony kapag sa English ito
We always wash our hands
Ngunit para ano
Bawal ang mag-shake hands kahit mano!
(Chorus)
Balintuna ngayon
Galaw ng tao
Everyday we take a bath tayo
Pero para ano
Bakit saan ba ang punta mo?
Lahat kayo ngayon
Ay ang bango-bango
Nakangiti but you can not see ito
Because naka-face mask
At ‘di lamang ito
Ang layo nyo pa ay isang metro!
(Repeat chorus)
Syanga pala ang Balatkayo ay nabuo
Habang kami ni Tito’y naghahalo-halo
Doon sa sikat pa nung Palengke Ng Quiapo!
Doon sa loob ka pa mismo nakaupo!
Mataas na baso at laman punong-puno!
Leche flan, ube, kaong, munggo, macapuno!
Garbanzos, pinipig, lahat na’t tama na po!
Kaya nga may nagtayo nun na Little Quiapo!
Basta halo-halo dito lahat ang tungo!
“Suki ” dito ko unang narinig sa Quiapo!
Habang pinag-aagawan ka na maupo
Kaliwa’t kanang tindera ng halo-halo!
Kaya ikaw noon animo’y paru-paro,
Nakangiting ‘di malaman kung saan dadapo!
“Suki dito ka na oy! Mas masarap dito!”
Kahit saan matamis na nektar ‘sang baso!
(To the tune of Paru-parong Bukid)
Nung nag-start ang covid panic buying lahat
May mga nag-swapang pinakyaw ang face mask
Pati toilet paper ay pinag-uubos
Pati alcohol pa para bang may sayad!
Sa kubeta raw nya
While may covid nineteen
Mga toilet paper wall paper gagawin
At ang mga face mask
Sa baho’y pantabing
Bakit ‘di na lang posporo ang gamitin!
(Repeat second part)
Punyeta talaga hoy!
Pande-panic buying hoy!
Pakyawin nyo dapat ay mga pagkain
Panligo’t panlaba, inumi’t medicine
At sa ‘yong paglakad mag-social distancing!
(Coda)
At syempre iwasan pag-ubo’t pagbahing … hatsing!
Kaya kung June Brides this year ay hindi gaano,
Lalo na ang magha-honeymoon sigurado!
Siguro naman our population will not grow,
Pag ‘di pa naman ang tigas na ating ulo!
(To the tune of Ikaw Lang Ang Aking Mahal)
Ahhh …
Itanong nyo sa akin
Ba’t oks ngayon magpakasal
Ngayong merong quarantine
Ang wedding hindi matagal
Ang gastos hindi mahal
Wala nang reception na kailangan
Basta naka-face mask, no more gown
Kung pupwede nga ay online
Na lamang!
Ahhh …
Isa lang ang problema
Dahil nga naka-face mask sya
Siguruhin mo lamang
Ang bride mo yu’t hindi iba!
Dapat yun ang ‘yong mahal
At sya talaga pakakasalan
At honeymoon ‘tsaka na lamang
Dahil may infection pa kahit saan!
Ahhh …
No more kiss the bride na ring kailangan
Siguradong nagawa’y higit pa nga dyan (I’m sure naman)
Tahimik lamang
At wala nang sisigaw …
“Mabuhay bagong kasal!”
Ahhh …
Pwedeng zoom na lang ang ninong at ninang
At wala na ring marami pang piktyuran (selfie na lang)
Basta may priest lang
At kanyang maisigaw …
“I pronounce you wife and man!”
(Coda)
Kasal ngayon ay ‘di mahal!