‘It’s a Woman Rite!’

The Dabarkads with the newlyweds in the biggest Kasalyeserye on television. One season lang ito — after the reception, conception daw agad! Ngek!

Naipahayag ko nun sa aking Instagram

Ang tungkol ginanap sa ‘ming palatuntunan —

Biro-biruan at kunwari-kunwariang

Pagsasama ng ALDUB sa isang kasalan!

 

Na kung ano man pulso n’yo at pakiramdam

Sa pangyayaring ito at paglalarawan,

Mahalaga’y magpatuloy pa at lumaon

Ang pagtibok ng isang pagkakaibigan!

 

Ako nga na isang ninong ang ginampanan,

Ang pagbibiro ay hindi rin naiwasan

At banggiting ang ring bearer daw sa kasalan

Ay Villarica Pawnshop na isang… SANGLAAN!

 

Ngek! At dahil nagaganap lang ay AKTINGAN,

Tuloy lang lokohan sa loob ng simbahan,

Nandung after The Wedding nga’y dapat abangan,

Ano’ng malay n’yo baka The Annulment naman!

 

Naturalmente sa amin-amin lamang ‘yan

At amin nga ring isinasaalang-alang

Ang tanggap ng ilang tagahanga nila d’yan

Na ito’y seryo at isang katotohanan!

 

At sa pusod ng tawanan at kasiyahan,

Utak ng Ang Poet N’yo muling nakialam,

Lumipad, naglaro, pumalaot na naman,

Inaalam bakit nga ba merong kasalan!

 

Alam natin ngayong ito’y isang sumpaan;

Isang sakramento at isang kasunduan

Na binalutan ng isang pagmamahalan,

O kaya’y isang pananagutan kung minsan!

 

Ayon din sa mga naunang kasaysayan,

Lalaki iba tingin sa kababaihan —

Turing ay waring isa lamang kasangkapan!

Pag nais hinahablot lang at kahit ilan!

 

At nang malaman na ng tao karapatan;

Pagkakapantay-pantay mga kasarian,

Dito na pumasok sa aking isipan —

BABAE GUMAWA NG KASALAN… MALAMANG!

 

Hindi ba s’ya pinaka-dramatic ang entrance?

Pinakamabusisi kapag inayusan!

Basta kailangan todo ang kagandahan!

Inaabangan at may lambong… parang ulam!

 

Hindi ba MATRIMONY MATRIS pinagmulan

Sa seremonyang tinatawag na KASALAN?

Ito’y ilan lamang sa mga katawagan

At sino ba may matris na mga nilalang?

 

WOMB… wala ba kayong napansin sa word na ‘yan?

Ang unang tatlong letra ay galing sa WOMAN!

Pati salitang WEDDING kung pagtutuunan,

May D-D… O, ano pa ba ang tingin n’yo d’yan?!

 

Matrimony… a MATRIX CEREMONY nga ‘yan!

Subalit para sa iba ang kahulugan

Ay pagsisimula o ang kapanganakan

Ng isang bagong buhay at pag-iibigan!

 

Show comments