May mga taong hindi ko maintindihan,
Sinusunod kahit ano maka-uso lang,
Naturalmente sasabihin ng iba d’yan
Na s’yempre wala naman akong pakialam.
Op kors kaya ‘yun din gusto kong ipaalam
At ito nama’y tungkol sa isang bagay lang,
Saloobin ko lang nais na itiwangwang
At s’yempre pa…wala rin kayong pakialam!
Ito’y tungkol sa tinatawag na “Bucket List,â€
Bakit ba kayo nakiki-Bucket List? Bakit?
Listahan daw ng gustong magawa’t makamit
Ngunit knows ba ng ibang this is before their death?
Okay, fine! Bago mamatay ang isang tao!
Malinaw ‘yan at hindi isang suicide ito,
NAMATAY at ‘DI NAGPAKAMATAY ‘yung tao;
Natural na natigok at hindi ginusto.
Pero alam n’yo ba kung saan nanggaling ‘to?
Ang linyang “Bucket List†ang ibig sabihin ko?
At kung hindi ay maniniwala ba kayo
Na sa nagpapakamatay nanggaling ito?!
“Before I kick the bucket†— ito ang kumpleto,
At d’yan nanggaling at nag-ugat “Bucket List†n’yo,
At maliwanag na “I†ang binanggit dito,
Sa balde, timba o bucket sisipa’y AKO!
At naririto ang kanyang puno at dulo —
Nung araw pag natililing ang isang tao
At hindi na madala sarili n’yang mundo,
Maglalagay ng lubid sa leeg ng ulo.
Isasabit sa itaas kabilang dulo,
Itataob ang timba’t tutuntungan ito,
At kapag s’yay handang-handa nang mag-babayu,
Sisipain ang timba! Tapos! No problemo!
Kaya linyang “Bucket List†hindi positibo,
Kodigo ng mga pampaligaya ito,
At kung magpapakamatay ang isang tao,
Wala nang magandang bagay sa tuktok nito!
Hindi naman po sa gusto kong maging killjoy,
Karapatan nga ng kahit sinong mag-enjoy,
Kaya nga dapat tama lahat bago tuloy,
‘Di ‘yung pinagkunan pala’y nagpakamatay!
Gawin nating title ay ‘yung bukal sa dibdib —
“Love to Undertake Before I Dieâ€â€¦in short, LUBID,
Lubid? Ngek! ‘Di ba ‘yun tinatali sa leeg?
At pag wala kang tinutuntungan…ngek! You’re dead!
At may “undertake†pa akong pinagmagaling,
Parang sepulturero pa man din ang dating,
Erase, erase…tao lang…inyo nang burahin,
Relaks lang kayo’t tayo’y makakaisip din.
Teka lang, mas idetalye pa kaya natin?
Sabihin na talaga ang gustong sabihin —
“Mga Ambisyong Gawin Before I Go…The End†—
In short, MAGBIG…TE, magbigte? Ngek! Ganon pa rin?
Basta change the word “bucketâ€â€¦palitan ang “timba,â€
Kailangan ‘yung konek sa suicide mawala,
Basta’t “of natural causes†lang ang paghiga,
Hmmm…para ‘di na lumayo, “Casket List†kaya?