^

Dr. Love

Kilig-dalaga pero may asawa

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin nyo na lang akong Lana, 34, may asawa, at kasalukuyang nakikipagpatintero sa tukso. Mabait ang mister ko, pero dahil sa walang katapusang overtime sa opisina, naging malapit ako sa isang katrabaho. Dr. Love, ang harot na dati ay trabaho lang, nauwi sa mahahabang tinginan at “accidental” na sadyang haplos. Bumalik ang kilig-dalaga ko, at aminin natin—humihina ang tuhod ko kapag nandiyan siya.

Ang bigat sa konsensya dahil walang alam ang mister ko. Pag-uwi ko, sinalubong niya ako ng hapunan, habang ako naman, may dalang sikretong kasalanan. Natatakot akong masira ang pamilya ko, pero parang magnet ang katrabaho ko. Paano ba mag-preno bago ako tuluyang mabuntis... este, mabisto?

Lana

Dear Lana,

Unang-una, congrats dahil gising pa ang konsensya mo. Ang problema, gising na gising din ang pagnanasa mo. Ang tawag diyan ay proximity attraction—sa madaling salita, dahil laging magkasama sa puyatan, nag-ilusyon ang puso mo.

Bago mo tuluyang sunugin ang buhay mo, mag-social distancing ka sa harot. Tapos na ang proyekto, kaya back to basic. Kung mag-aalok ng pagkain, sabihin mo, “Diet ako, at bawal din sa asawa ko.” Ang tukso, kapag hindi mo pinatulan, napapagod din ‘yan.

Isaulo ang math exam ng buhay. Timbangin mo. Anim na taong tapat na pagsasama at maayos na buhay, ipagpapalit mo sa panandaliang kilig.Tandaan mo, ang bago ay mukhang masaya lang kasi wala pa ka-yong pinag-aawayang bayarin sa kuryente.

I-overtime ang mister. Kung may natitira kang lakas mag-flirt sa opisina, iuwi mo ‘yang enerhiya na ‘yan sa bahay. Doon mo ibuhos ang kilig.

Lana, walang “nadadulas” sa pagtataksil—hindi ‘yan balat ng saging. Desisyon ‘yan.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with