^

Dr. Love

Tamad na, sugarol pa si misis

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Yeoj. Problema ko ang aking misis na tamad at hindi maaasahan sa mga gawaing bahay.

Apat na taon na kaming kasal at may isang anak. Hindi naman mayaman ang pamilya niya pero hindi ko alam kung bakit hindi siya marunong sa gawaing bahay.

Tutol sa akin ang mga magulang niya kaya nagtanan kami. Halos itakwil siya ng kanyang magulang pero ako pa rin ang pinili niya.

Akala ko magbabago na siya kapag kinasal na kami, pero hindi pala. Kapag pinupuna ko ang magulo naming bahay, nagagalit siya. Ikuha ko raw siya ng katulong. Kaso, maliit lang ang sahod ko dahil isa lang akong contractual employee at umuupa lang kami ng bahay.

Wala na kaming kakainin kung magpapasuweldo pa ng katulong. Ang masaklap pa, pati anak namin ay pinapabayaan niya, at maghapon si misis na nagto-tong-its sa kapitbahay.

Ano po gagawin ko?

Yeoj

Dear Yeoj,

Nang ligawan mo ang misis mo, alam mo ang kanyang kalagayan sa buhay. Tanggap mo pati kapintasan niya kabilang na ang kanyang pagiging tamad.

Sa kabila nito, minahal mo pa rin siya at pinakasalan. Dagdagan mo lang ang iyong pasensiya at pagtiyagaan mong makuha siya sa diplomasya para magbago.

Ipaunawa mo sa kanya ang obligasyon niya bilang ilaw ng tahanan.

Gawin mo ‘yan nang hindi nanunumbat o hindi sa paraang pinupulaan mo ang iyong sariling asawa.

Sikapin mo na mailapag sa kanya ang bagay na ‘yan nang may buong pagmamahal at pag-asa na makakaunawa rin siya kundi ngayon, baka bukas o sa malapit na panahon.

Kung mangingibabaw ang inis o galit, walang puwang ang unawa.

Baka ang hangarin mong magbago siya ay lalo pang lumala dahil maaaring madagdagan ng rebeldeng kalooban.

Ramdam ko sa sulat mo na tunay ang damamin mo sa iyong misis, kaya naman nakalalamang na maaayos mo ang issue ninyo.

Samahan mo lang ang bawat hakbang ng taimtim na dalangin sa Diyos, na tulungan ka at hipuin ang puso ng iyong asawa para sa ka-panatagan ng iyong kalooban, at kapayapaan ng inyong tahanan.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with