^

Dr. Love

Virgin pa ba ako?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear, Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Feliza, 25 anyos at limang taon nang may asawa. Bago ako magpakasal sa mister ko, tinanong niya ako kung may nakakuha ng aking pagkabirhen. Sabi ko wala pa.

Kumbinsido naman siya dahil sa unang gabi namin ay nahirapan siya at nang maka-penetrate ay malakas ang pagdurugo ko.

Pero sa totoo lang, noong 18 years old ako ay nagkaroon ako ng boyfriend at minsan na kaming nagtalik. Pero sa pakiramdam ko ay walang naganap na penetration bagamat nakaraos siya. First time kasi namin iyon at siya ay seventeen lang at pareho kaming walang alam. Medyo nakokonsensya ako dahil parang nagsinungaling ako sa asawa ko. Kung ako ay nagdugo sa aming unang gabi, virgin pa ba ako noon?

Feliza

Dear Feliza,

Oo, virgin ka pa noon. Marahil, nagi-guilty ka dahil hindi ang mister mo ang nakalasap ng unang sarap sa iyo. Kahit ako siya, magdaramdam ako kapag nalaman ko ang istorya.

Pero may mga bagay na mas mabuting panatilihing lihim kaysa magdulot pa ng pagkawasak ng relasyon. Ang importante ay manatili kang tapat sa mister mo.

Dr. Love

vuukle comment

FELIZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with