^

Dr. Love

Minumulto

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Maaaring hindi mo ako paniwalaan pero totoo ang karanasan kong ito. Tawagin mo akong Sofia, 26 anyos at dalawang taon nang may asawa at wala pang anak.

Bago ang mister ko ay may kasintahan ako na naka- live in ko nang isang taon. Mahal na mahal niya ako at minahal ko rin naman siya.

Sabi niya, huwag ko raw siyang ipagpapalit kahit mamatay siya dahil mumultuhin niya ako.  Alam ko naman na pabiro lang nang sabihin niya ito.

Pero sa gulang na 25, namatay siya sa a-neurism.  Matapos ang isang taon ay nag-asawa ako uli. This time nagpakasal na ako sa lalaking tinanggap ako kahit may kinasama na ako.

Pero sa huling bahagi lang ng 2023, kapag nag-iisa ako ay may mga kakatwang ingay akong naririnig sa bahay.

Mga bagay na nahuhulog, pintuang nagsasara o nagbubukas at iba pang kababalaghan.

Hindi ko na lang ito pinapansin pero dumadalas ang mga pangyayaring ito. Minsan na-panaginipan ko ang ex ko at sinabihan akong namamatay din ang asawa ko.

Ano ang gagawin ko?

Sofia

Dear Sofia,

Hindi na pwedeng magbalik sa mundo ang namatay.

Kung may mga paramdam ka na na-raranasan, maaaring imahinasyon mo lang o mga mapaglarong masamang espiritu.

Sa tuwing mararamdaman mo ang ganyang karanasan, manalangin ka ng ma-lakas at itaboy mo ang masamang espiritu sa Pangalan ng Panginoong Jesus.

Ang sino mang anak ng Diyos na sumasampalataya kay Jesus ay hindi maaaring gawan ng ganyan ng sino mang alagad ng kadiliman.

Dr. Love

vuukle comment

SOFIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with