^

Dr. Love

Palay na ang lumapit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Galit sa akin ang buo kong pamilya. Ang dahilan, pinatulan ko ang asawa ng aking kuya.

Tawagin mo na lang akong Brando, 21 anyos. Hindi ko naman magagawang traydorin ang utol ko. Kaso, ang hipag ko mismo ang nagpakita ng motibo kaya hindi ko napigilan ang sarili ko sa panunukso niya.

Sa kuya ko ako nakatira dahil sa probinsya ang bahay namin at nag-aaral ako sa Manila. Tuwing kami lang ni ate ang naiwan sa bahay, lalabas siya ng banyo na bagong paligo at nakabalot lang ng towel ang katawan.

Nasa sofa ako at nag-aaral ng leksyon at bigla na lang akong tatabihan at tatanungin kung mabango siya.  Madalas niyang gawin ‘yun at ‘di ko pinapatulan.

Kaso dumating ang breaking point ko at bumigay na ako sa panunukso niya. Naging madalas ang pagtatalik namin kapag wala si kuya.

Minsan, hindi inaasahan dumating si kuya at nahuli kami sa akto.  Pareho niya kami pinalayas at ako ay itinakwil ng pamilya ko at hindi na ako pinag-aral.

Ngayon, palaboylaboy ako at nakikisilong sa bahay ng mga kaibigan ko. Pagpayuhan mo ako.

Brando

Dear Brando,

Una, humingi ka ng tawad sa kuya mo at ipaliwanag ang situwasyon. Lalaki rin siya at marahil ay mauunawaan ka niya. Gaano man katibay ang tao, kapag paulit-ulit ang panunukso ay malamang bumigay ito.

Ang asawa niya ang dapat managot dahil siya ang nanukso sa iyo. Tama lang na siya ay palayasin.

Humingi ka rin ng tawad sa buong pamilya mo lalo na sa iyong mga magulang. Naniniwala ako na patatawarin ka rin nila kapag naipaliwanag mo ang situwasyon.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with