^

Dr. Love

Niloko ni Daboy

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago n’yo na lamang po ako sa pangalan Baby. Ang akala ko totoo na ang pag-ibig sa akin ni Daboy. Sinagot ko siya dahil siya lang ang nagtiyagang manligaw sa akin. Sa sobrang chubby ko, hindi ko na nga inisip na may magkakagusto pa sa’kin.

Pinayuhan ako ng isa kong kaibigan na mag-ayos ayos daw ako para hindi naman ako nilalayuan agad ng mga guys. Konting diet at magpa-sexy.

Nakatulong naman sa confidence ko ang payo niya. Pero talagang chubby pa rin ako.

Si Daboy ang unang naka-appreciate sa akin. Pinsan siya ng kababata ko. Lagi ko lang siyang kinakausap kapag tumatambay ako sa pintuan namin. Minsan nakakalaro ko sila ng ML. Lagi niya kasi akong binibiro na kahit chubby raw ako ay malakas ang sex appeal ko.

Hayun sa kakabola niya naniwala naman ako. Naging kami almost two years.

Ang akala kong faithful at nag-iisang tagahanga ko ay sinungaling din pala. Kinausap ako ng pinsan niya at nagso-sorry sa akin dahil two timer daw si Daboy. Kaya pala hindi na ako sinisipot ni Daboy kapag inaaya ko siya.

Hindi niya kaagad sinabi dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan namin. Inis na inis ako kay Daboy. Wala siyang modong humarap sa akin para magpaliwanag.  Patunay na talagang niloko lang niya ako. Ayaw ko na tuloy magtiwala sa mga lalaki.

Baby

Dear Baby,

Tandaan mo, hindi lahat ng lalaki ay manloloko. Ang naranasan mo kay Daboy ay huwag mong ibaling sa ibang lalaking maaa-ring manligaw sa iyo.

Tuloy mo lang ang pagda-diet at pagpapaganda, huwag mong hayaan na dahil kay Daboy ay hindi ka na magmo-move-on.

Tuloy lang ang buhay. Kapag may nanligaw sa iyo huwag mo kaagad sagutin. Kilalanin mo muna ng mabuti at pakiramdaman mo kung totoong mahal ka niya. Hindi masama ang siyasatin mo ang pagkatao ng nanliligaw sa iyo. Mainam nga iyon para hindi ka na maloko ng mga mokong na tulad ni Daboy.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with