^

Dr. Love

In love sa tambay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Aida. Na-inlove ako sa isang tambay. Ayaw ng mga magulang ko. Paano na raw ang future ko kung sa tambay lang ako mapupunta.

Pero kahit ganon ang sinasabi ng lahat, mahal na mahal ko ang bf ko. Hindi naman siya talaga siya tambay.  Galing siya sa disenteng pamilya, naligaw ng landas kaya natigil sa pag-aaral at nabarkada sa mga tambay. hangga’t hindi siya nagbabago, wala siyang suporta sa pamilya niya.

Mabait at magalang siya sa akin. Minsan akong binastos ng tricycke driver, pinagtanggol niya ako.

Tambay lang siya pero hindi masamang tao. Gusto niyang magbago  kaso walang nagtitiwala sa kanya.

Aida

Dear Aida,

Natural lang ang reaksiyon ng magulang mo. Nag-aalala lang sila para sa kinabukasan mo.

Kung tunay ang hangad ng bf mong magbago, simulan na niya agad at patunayan sa lahat, lalo na sa iyong magulang na mali sila. At hindi kayo alangan sa isa’t isa.

Gawin mong hamon sa kanya ang bagay na ‘yan. Hangad ko ang kaligayahan ninyo.

DR. LOVE

vuukle comment

AIDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with