^

Dr. Love

Surrogate dad

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pakikubli n’yo na lang ako sa pangalang Edmund, 21 anyos. Nagtatrabaho ako sa isang fine dining restaurant bilang head waiter. Ang boss ko ay isang babae na asawa ng Chinese na may ari ng restaurant.

Nasa 35 anyos na siya at sa loob ng sampung taong pagsasama nila ng kanyang asawa ay hindi sila biniyayaan ng anak dahil sterile o baog ang mister niya.

Kinausap ako ng boss ko kasama ang kanyang asawa at nabigla ako sa alok nila. Mayaman sila pero dahil sa pagiging matipid, ayaw nila sa magastos na in vitro fertilization. Ang gusto nila ay magsiping kami para siya ay mabuntis kapalit ng kalahating milyong piso.

Kung hindi ako makabuo, wala akong tatanggapin ni singko. Sabi ng Chinese, hindi daw ako lugi dahil maganda naman ang misis niya. At kung sa una ay hindi ako makabuo ng baby, magsisiping kami uli ng hanggang tatlong beses at kung wala pa talaga, give up na sila.

Kailangan ko ng pera kaya nagbakasakali ako, tinanggap ko ang offer. Paigsiin natin ang istorya. Nabuntis ang boss ko sa una na-ming pagsisiping. Kaso, nang sinisingil ko ang ipinangakong kabayaran, ang ibinigay lang sa akin ay P50k at hindi P 599k.

Nang magpakita ako ng galit ay tinanggal pa ako sa trabaho ng boss ko.

Puwede po ba akong maghabol sa hukuman dahil hindi sila tumupad sa napagkasunduan?

Edmund

Dear Edmund,

Kung wala kayong kasunduang nilagdaan sa papel, mukhang malabo kang maghabol lalo pa at isa kang mahirap na ang kinakalaban ay isang masalapi.

Pero siguro, puwede kang maghabla sa pagkakaalis mo sa trabaho at maaari mong sabihin na dahilan ay ang inyong unwritten agreement na maaaring magbilad pa sa mag-asawa sa malaking eskandalo at kahihiyan. Pero sa tingin ko, walang kahihiyan ang mag-asawang iyan.

Hindi ako abogado at ang pinakamabuti mong magagawa ay sumangguni ka sa isang legal counsel.

Dr. Love

 

 

 

 

 

vuukle comment

SURROGATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with