^

Dr. Love

Secret crush

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Wally, 17 anyos at nasa senior high.

Mayroon akong best friend na babae, just call her Wen. Sa loob ng apat na taon ay naging very close kami. Wala kaming itinatagong sikreto sa isa’t isa.

Ano man ang problema namin, kino-confide namin sa isa’t isa. There are times when she asks my advice pero wala naman akong maibigay dahil pareho kaming bata pa.

Hindi niya alam na may crush ako sa kanya, kaya lang ay natotorpe ako. Natatakot ako na  baka masamain niya dahil matagal na kaming friends. Sabi niya, mayroon daw siyang crush pero ayaw magsalita.

Sinabi ko sa kanya na sabihin niya sa akin kung sino ang crush niya at sasabihin ko rin ang crush ko. Aniya, mauna raw muna ako.

Natorpe ako. Hindi ko masabing siya ang crush ko, kaya itinuro ko na lang iyong isa namin classmate na si Annie. Parang naasar siya sa sinabi ko, nang tanungin ko kung sino ang crush niya, ayaw pa rin niyang magsabi. Basta ang sabi niya lang si Annie  rin ang gusto ng kanyang crush kaya naiinis siya.

Ako kaya ang crush ni Wen?

Wally

Dear Wally,

Walang masama kahit  best friend mo siya for many years kung liligawan mo siya at sabihin mo ang tunay mong damdamin.  Hindi masisira ang inyong  pagkakaibigan. Ang kaso, you’re only seventeen. Too young to take love seriously.

By all indications,  ikaw na nga marahil ang tinutukoy ni Wen pero hindi siya makapagsabi dahil babae siya. Pero huwag masyadong seryoso dahil senior high ka pa lang.

Mas mabuti ay mag-aral muna ng mabuti and be good friends with Wen.

Dr. Love

vuukle comment

WALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with