^

Dr. Love

It’s complicated

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pakikubli mo na lang ako sa pangalang Trish. It’s complicated, ito ang takbo ng buhay ko at sana’y matulungan mo ako. Masungit ako at mainitin ang ulo sa asawa ko kaya kami naghiwalay.

Hindi ko maunawaan ang sarili ko. Ang mister ko ay mayroong mga anak sa unang babae bago kami nagpakasal. Noong dalaga pa ako ay mayroon akong kasintahan. Siya ang totoo kong mahal at hindi ko rin maunawaan kung bakit nagpakasal ako sa iba.

Marami rin kaming pinagdaanang pagsu­bok ng mister ko hanggang iwanan niya ako dahil sa pagsusungit ko.

Binabalikan ako ngayon ng dati kong boyfriend. Sabi niya, handa niya akong pakasalan. Nakaka-confuse ang sitwasyon ko. Wala akong tulak kabigin. Kung makikisama ako sa boyrfriend ko ay para akong nagi-guilty dahil may damdamin pa rin ako sa asawa ko.

Pagpayuhan mo sana ako.

Trish

Dear Trish,

Wala sa Mister mo ang problema kundi nasa sa’yo. Ngayong naghiwalay kayo ay binabalikan ka naman ng ex-boyfriend mo at inaalok ka pang pakasalan. Paano ‘yun eh kasal ka sa iba?

Bago mangyari iyan ay daraan muna sa proseso ng annulment ang kasal mo at hindi madali iyan. Sabi mo “it’s complicated” ang buhay mo. Totoo kasi ikaw ang dahilan kung bakit magulo ang buhay mo.

Ikaw lamang ang puwedeng magdesisyon sa problema mo dahil parang dalawang tao ang mahal mo at wala kang itulak-kabigin.

Para sa akin, mas mabuti kung makipagbalikan ka sa asawa mo at tingnan mo ang pagkakamali mo sa iyong sarili at isaayos mo nang magkaroon ka ng maayos na pamilya. Kali­mutan mo na ang ex mo na nakikipagbalikan sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BINABALIKAN

DEAR TRISH

DR. LOVE

IKAW

MARAMI

SABI

TRISH

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with